Yuri
Simula nong araw na yon lagi na kaming magkatext at madalas nya akong tawagan. Natutuwa ako dahil Ang sweet at ang caring niya sakin.
Naalala ko pa noong una niyang tawag, bigla akong kinabahan pero habang tumatagal ang usapan namin nagiging komportable ako.
"Last day na bukas! I cant wait for rest day!" Excited na sabi ni Rika na nagmamadaling mag log out.
"We are free now." Sabi ni Drea na nag iinat inat na. "Tinatawag na ako ng aking kama."
"Yuri, tara baba na tayo. Tapos ka na ba diyan?" Tanong ni Pearl.
"Oo, okay na. Tara." Tumayo na ako at sabay sabay kaming pumunta sa locker. Pagcheck ko ng cellphone ko walang text.
"Uy, walang text nuh kaya ganyan mukha mo?" Pang aasar ni Pearl.
"Imbento ka po." Natatawa kong baling sa kanya.
"Sus aminin mo na kasi Yuri, sino ba yang katext mo ha? Pag lunch tayo lagi kang busy sa phone mo at hindi ka naman ganyan dati. Di ka nga marunong magload." Taas kilay na sabi ni Rose.
"Friend ko nga."
"Well, alam naman namin na di ka magsasabi. Pero ituloy mo yan dahil.ngayon ka lang namin nakitang ngumiti ng ganyan." Dugtong ni Rose.
Napakunot ang noo ko sa sinasabi niya. Hindi ko alam gusto nilang tukuyin dahil ganito naman talaga ako. Hindi ko nalang sila pinansin.
Bumaba na kami ng office nang magring ang cellphone ko.
"Napatawag ka?"'hindi ko mapigilan ang ngumiti.
"Lingon ka sa kanan." Agad naman akong napalingon at bigla nanamang kumalabog ang puso ko. I saw her in ponytails with her polo open na nakasando at maong pants na dark blue na nagmatch sa converse shoes niya. She is so pretty at ang tangkad niya talaga. Hindi ko talaga maisip na bisexual siya.
"Omg! Si Yance!" Kinikilig na sabi ni Pearl.
"Ang ganda naman niya." Namanghang sabi ni Rose.
Kumaway ako sa kanya at lumapit siya pagkababa ng tawag.
"Hey, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pagkalapit niya. Nagulat ako nang halikan nya ako sa pisngi at nag hi naman siya sa mga kasama ko.
"Napadaan lang sa kabilang building, may cheneck lang ako sa pinapatayong condo." Nakangiting sagot niya.
"Ahhh.." tipid kong sabi.
"Kamusta na Yance." Ngiting ngiting sabi ni Pearl.
"Okay naman."
"Sya nga pala, mga friends namin, si Rose, Rika at ang pinakamaganda si Drake." Pagpapakilala ni Rika sa tatlo.
"Anong maganda ka diyan?" Biglang lalake ang boses ni Drake. "Gwapo to kaya nainlove sakib si Yuri." Bigla naman akong inakbayan ni Drake at natatawa ako sa kanya dahil di siya bagay gumanon.
"Hindi mo nabanggit na may boyfriend ka na pala." Halata sa boses ni Yance ang pagkagulat.
"Hahah joke lang.. Eww kaya yan si Yuri. Lalaking lalaki ako kaya lalaki din hanap ko." Halakhak ni Drea. "Just call me Drea not Drake." Nakipagkamay si Drea kay Yance at napansin ko nawala na yong seryosong mukha ni Yance.
Hindi ko alam kung bakit sigeng siko si Pearl sakin kaya siniko ng malakas at tinawanan.
"Oh ano tara na Rika, Rose, Drea! Antok na ako.. Bye bye na sa inyo." Biglang sabi ni Pearl at nagmadali na silang umalis. Iba din kasi way nila.

YOU ARE READING
I've Been Waiting For You (GxG)
General FictionCompleted Story My First gxg story. Paano kung isang araw bigla kang iwan ng taong mahal mo? Yong akala mo kayo na pero hindi pala. Mahirap ang LDR, like Yuri, 5 years sila ng ex niya. 3 years na LDR At bigla nalang nakipaghiwalay. Sobra siyang mag...