Ang Babae

1.6K 18 1
                                    

By: Ms. Author

Sabi sa akin ng mama ko.

Noong malapit nang mamatay ang lola ko. Noong Oct 2015 nangyari.. hindi namin alam kung bakit ang bilis ng mga pangyayari. Sobrang lakas pa ng lola ko at 65 yrs old lang. Pero bakit ang bilis naman kumalat ng sakit niya, sabi ng mga tita at tito ko na baka nabarang ang lola or baka may taong may galit sa lola ko.

Pero parang napaka imposible kasi sobrang bait ni lola. Ako lagi ang kasama ng lola simula pa nung bata ako. Lahat ng mga katrabaho niya sa opisina ay kilala ko at kilala ako.

Ikatlong araw ng lola ko sa ICU sa mount carmel sa lucena. Napagdesisyunan nila papa na ipunta na sa si lola sa manila para gamutin. Sa byahe palang sa SLEX ay bumigay na raw ang lola. Si mama ang nasa unahan ng ambulansya at si papa naman sa likod.

Pagkarating sa hospital sa manila, hindi ko lang matandaan pero parang may "Heart Center" malay ko kung anong ospital yun hehe limot ko.

Pagkadating sa ospital ay pinagkaguluhan na ng maraming doctors si lola at binubuhay, tinuturukan ng gamit sa leeg para daw sa heartbeat, at ito ang pinaka nakakakilabot!

Hinawakan ng isang doktor ang dibdib ni lola at nagulat..

"Ma'am, sir, bakit walang baga ang pasyente?"

Nagulat sina mama at papa..

So eto na po ang pangyayari,

Pangalawang gabi ng burol ni lola sa BAMO, hehe nakatira kasi kami sa Lucena, Quezon Province.

So ayun na nga, pangalawang gabi ng burol ni lola, sa lugar na pinagburulan ni lola ay mayroong kusina at kwarto. Doon kami sa kauna-unahang room ng Bamo.

Mala-garden type ang burol ng lola ko, kasama na yun sa plan daw eh, madaming bulaklak at may mini fountain pa. Mga bulaklak galing kay Mayor Alcala at sa opisina at sa QPSTA at basta marami.

Gabi yun at nasa loob ng kwarto kaming magpipinsan at ang iba kong tito at tita ay nagsusugal doon at ang iba ay tulog, samantalang ako ay sinasagutan ang module ko para sa Health namin. Sa sacre nga pala ako nag-aaral, grade 8 ako nun dati.

Paalis na kami ng bamo ng mga 10 pm, kasi may exam pa ako bukas.
Nagkwento sa amin si mama, habang nagda-drive ng kotse si papa.

"May babae kanina sa burol ng lola, naka-pula na dress" sabi ng mama

"Po? Eh diba bawal ang naka pula sa patay?" sabi ko

"Nagkwekwentuhan lang kanina kami ng mga bisita, tapos may babaeng naka pula at pumasok sa glass door, naglakad papunta sa kabaong ng lola at tumingin lamang, pagkatapos non ay naglakad ng mabilis papunta sa labas at hinabol ng papa mo hanggang sa makalabas na ng BAMO." -mama

Medyo kinikilabutan ako habang kinukwento ni mama yun.

"At pagkalabas ko ay wala na ang babae, nawala na lang ng parang bula" sabi ni papa at mas lalong kinilabutan ako doon..

True Filipino Horror StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora