Youth Encounter

481 5 1
                                    

*** I changed the names of my classmates. Para naman ligtas ang pangalan nila echos hahaha ***


Hindi ko alam kung sa ibang school ay may YE(Youth Encounter) kapag grade 9 na. Sa school kasi namin meron eh. Kaya ikwekwento ko sa inyo ngayon ang karanasan naming magkakaklase sa YE.

Kapag YE kasi. Sa school kayo magi-stay, for 2 days and 1 night. Sobrang saya nga eh.

Kami kasi ang huling section na magy-YE. Ang pinaka-naunang section ay yung section ng bestfriend ko.

POV ng kaklase ng bff ko

Halos maghahatinggabi na ng matapos ang activity namin dito. Magka hiwalay ang dorm ng girls and boys. Medyo nakakatakot ang  dorm kasi sobrang laki niya at may mga double deck na hindi nagagamit at may 3 malalaking cabinet.

Patay na ang ilaw at matutulog na kami.

Naalimpungatan ako, hindi ko alam kung bakit pero nakinig ko na may nagsuot ng tsinelas at naglakad ng mabagal papunta sa cr. Hindi ko na pinansin iyon.

Kinabukasan.

Maagang gumising ang mga kaklase ko at nagsisi-paligo na ang iba.

"Nakita niyo ba ang tsinelas ko?"tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"Hindi eh. Baka andyan lang sa ilalim ng kama" sabi naman ng isa.

"Wala eh"

"May nakita akong tsinelas sa cr kanina nung naliligo ako. Katapat ng ikatlong paliguan,yung ikatlong cubicle" sabi ni Alexx na kalalabas lang ng cr

Sino kaya yung narinig kong naglakad kagabi? Bigla akong kinilabutan.

~*~

Tapos madami pang katatakutan na nangyari sa ibang section. Sabi nila na may naugang double deck, may bata daw sa cabinet, may bata daw na naguuli, may bata daw na nangungulit, at sabi ng iba na may nagpapakita na madre sa boys dorm.

Ang may ari kasi ng school namin ay madre. Daughters of charity kumbaga ang tawag sa kanila.

Bigla naman akong natakot sa mga naririnig ko. At kami pa talaga ang huling section..

At heto na ang mga pangyayari noong YE na namin.

~*~

POV KO (hihihi)

To be honest kami yung "2nd worst section"
Natataranta na ako dahil iko-confiscate kasi ang cp namin. Kaya ako super tago to the mode na ako sa pantalon ko hahaha. Tinago ko sa bra ko yung cp kong keypad at yung power bank ko sa may puson ko sa pantalon. Hahahaha natatawa talaga ako sa sarili ko. Ang plano ko kasi ay itatago ko yung keypad kong cp at power bank ko. Tapos ibibigay ko yung touch screen kong samsung hahahahaha ang baliw ko talaga. Syempre ibibigay ko yung  samsung na touch screen para mahalata na wala na akong ibang dalang cp..

Medyo nasa gitna ako ng pila ng mga babae.. mas nauna kasi ang mga lalake at pagkaka alam ko ay magka hiwalay ang dorm ng lalake at babae obvious naman yun diba guys hahahahaha.

Di ko alam pero parang napako ang paa ko at may naririnig akong nagtatawanang mga bata.. ang pagkaka alam ko ay kaming section lang ang andito at bawal gumala ang mga bata dito sa Eco Park.

Biglang kinilabutan ang buong katawan ko. Kaya pala napako ako sa kinatatayuan ko ay dahil may nakayakap na bata sa akin.

"Ate..." bulong sa akin ng bata.

"Huy! Lakad na aba! Mahuhuli tayo sa pagpili ng higaan sa dorm bilis namaaaan!" biglang nawala ang bata na nakayakap sa likod ko at napalitan iyon ng gulat dahil sa nakakagitlang boses ng nasa likuran kong sina Dana..

Nawala na yung mga bata..

Naglakad na ako papunta sa counter kung saan ililista mo ang pangalan mo at pirma.. kukuha din ng pangalan mo kung saan nasa isang papel na hugis ibon..

Pumasok na rin ako sa dorm namin.. kung saan kami manunuluyan ng 2 araw at 1 gabi..

Madaming double decks ang nasa loob at may 3 malalaking cabinet at katabi noon ang pintuan na papunta sa cr ng girls..

Sa dami ng double decks ay may ibang higaan na hindi na-occupy. Katabi ko nga pala sina Nicole at Sandra. Sa pantatluhan na tao kami na kama.

Sa itaas namin ay sina Gwynn (pronounced as gwen) at Casey.

Sa ibaba naman kami. At ako ang nasa dulo. Kumbaga ganito. Hahaha imagine niyo nalang.

Nicole=Sandra=Ako    |ibang kama|

|Grupo nina Noelle|  | ibang kama|

|ito na yung space para sa daanan|

Basta ganyan hahaha.

Nakakatakot lang ay yung 3 malalaking cabinet. Kasya pa nga doon kahit 5 tao sa loob ng isang cabinet eh..

Tapos nagbreakfast kami at gumawa ng mga activities.. hanggang sa mag gabi na.

Pinag palit na kami ng aming mga pajamas at ang iba ay naligo din.

Pagkalabas ko ng pintuan ay nakita kong nakapalibot ang mga upuan hanggang lobby. Pumasok na kami sa loob ng Hall at inexplain sa amin ang bagong activity.. pinalabas na kami at naguunahan na ang mga kaklase ko. No choice ako kundi sa labas ng lobby.

Sobrang dilim.. halos di ko na makita ang garden sa labas at mga puno. Pero isa lang ang di maalis sa paningin ko.. may madre at bata na magkahawak kamay na nakatayo di kalayuan sa garden...

To be continued....

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now