5th Floor

546 7 0
                                    

By kuya ng Classmate ni Ms. A

Pov to ng kuya ng kaklase ko  ha.

~*~

Nagbisita kami sa seminaryo.. naguuli lang kami ng kaibigan ko sa 4th foor. Medyo nakakatakot ang lugar kasi medyo maka luma na ang building. Tapos maya maya ay nakaramdam ako, na naiihi ako..

May nakasalubong kami na pari at tinanong namin kung saan ang may malapit na cr ng boys. Tinuro naman ng pari ang direksyon kung saan.

Sa 5th floor daw sa may kaliwang parte pagka akyat sa hagdan.

Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa pari na pinagtanungan namin.

Nasa cr na kami. At pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay.

"DAN! M-MAY BA-BABAE!!" Sigaw ng kaibigan ko at napatingin ako sa salamin ng cr at nakita ko ang isang babaeng nakaitim ang suot at naka belo! Para siyang madre!

Nagsitakbuhan kaming magkaibigan pababa! Sa sobrang bilis namin tumakbo ay halos mapasubsob na ako sa pagbaba ng hagdan.

Nasa 1st floor na kami at sobrang hingal na hingal kaming dalawa. May lunapit sa amin na pari at sinabing.

"Oh mga iho! Bakit hingal na hingal kayo? Ano ba ang nanyari sa inyo?"

"Father! May babae po! May babaeng duguan sa cr ng 5th floor!" Nanginginig na sabi ng kaibigan ko. At nabahid sa mukha ng pari ang pagtataka.

"Wala namang 5th floor dito ah"

At doon ako nakaramdam ng panlalamig ng katawan..

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now