Kwento ni Mama

205 2 0
                                    

By Miss Author

Ito ay kwento mula sa aking ina. Mula ito sa kanyang pinapasukang eskwelahan dito sa amin. Hindi ko na babanggitin ang eskwelahan para sa pribadong impormasyon.

Mahigit 6 na taon nang nagtuturo ang mama ko sa eskwelahan nila. Malapit lang ito sa bahay namin at malaki. Hindi ito pribadong paaralan, kundi pampublikong paaralan. Nasabi rin ni mama na ito raw noon ay isang ospital na nasunog, kaya sa ibang gusali ay hindi na nagagamit o tambakan nalang. Ang ibang silid ay sira-sira ang bintana dulot nga ng sunog noon. Hindi pa ako nabubuhay sa mundong ibabaw ng masunog raw iyon.

Dahil nga ito ay nasunog. Marami parin na pagala galang kaluluwa doon sa ospital na naging paaralan. Noong handle pa ng mama ko ang grade 7 section na advisory class niya, maraming kababalaghan sa kwartong na-assign kay mama. Isa rito ang bigla biglang may nasulpot na ibang studyante sa hawak niyang advisory class.

- - - - -

Ang Studyante sa Likuran:

Mula ito sa subj teacher ng advisory class ni mama. Habang nag aattendance daw ang guro, napansin niyang may batang nakatungo sa likod at naka upo sa armchair sa silid aralan.

Siguro 1 week palang ng nagsimula ang pasukan kaya hindi pa masyadong kilala ng mga bawat guro ang bawat bata sa klase.

"Neng, pakitanong naman dun sa bata sa likod kung anong pangalan niya" tinuro daw ng guro ang bata sa likuran at nagulat ang batang babae na tinanong niya.

"Mam, wag ka naman magbiro ng ganyan. Wala naman pong bata sa likod eh"

Tapos nagtakbuhan raw ang mga bata, pati na rin ang guro palabas ng room dahil sa takot.

------

Isa pa raw ay noong nag bagyong Glenda noon. Bumaha sa room ng advisory class ni mama kaya wala siyang kasama sa paglilinis dahil ang ibang guro rin ay may sari-sariling linis rin sa kani-kanilang mga room.

Habang naglilinis raw si mama ay biglang umuuga ang mga upuan, imposibleng liparin yun ng hangin dahil mabibigat ang upuan. Lalo na at yari ito sa bakal kaya mas nakaka ngilong pakinggan ang pag-uga ng mga silya. Agad na napatakbo si mama palabas ng room. Buti nalamang daw at hindi siya nahimatay


-------

Marami rin na kababalaghan ang nangyayari sa room niya tulad ng isa sa mga studyante ni mama na naggroup picture, at may nakuhaan na imahe ng isang babaeng naka bitin ang katawan mula sa kisame.

Ang isa pa rin dito ay may nasapian rin.

Minsan nagkakasakit si mama ng wala namang dahilan.

Pero nung pinalipat na si mama sa grade 9, doon na nawala lahat ng kababalaghan na nangyayari sa kanya. Dahil ang hawak niya ngayong room ay bago.

Dito na nagtatapos ang aking kwento. Ating ipag dasal ang mga nilalang mula sa ibang dimensyon ng ating mundo. Huwag nating gambalain upang hindi tayo saktan.

~*~

Ipanalangin natin na ang kanilang mga kaluluwa rito sa lupa ay makakita na ng liwanag. Amen

-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt