Tumatakbo

503 6 1
                                    

Remember yung sa hagdan? Kung san ko nakita ang bata? Nangyari to ngayong araw..

Pahapon na nung oras na yun.. nagpaalam ako sa tita ko na pupunta lang ako sa taas. Wala kasi ang pinsan ko kaya dun ako natambay nung araw na yun sa kwarto nila.

Kausap ko ang bebe loves ko nun sa telepono. Naka earphones ako nun. Masaya kaming naguusap. Pero maya maya ng konti. May narinig ako na natakbo paitaas. Edi tumayo ako sa pagkakaupo at lumakad ng mabilis para silipin kung sino yun.

Pero pag dungaw ko sa hagdan, wala namang tao. Hindi ko na pinansin yun. Pero may konting takot rin dahil ako lang ang mag isa sa itaas at madilim rin sa ibaba.

Then for the second time, nung gabi naman. Andoon rin ako sa kwarto ng mga pinsan ko. Nakita ko na may dalang tuwalya si tita sa kanyang balikat at bumaba. Masayang nagkwekwentuhan ulit kami ng bebe loves ko noon. Maya maya ng konti.

Narinig ko na naman yung pagtakbo kaya nagmadali ulit ako para silipin kung sino yun.

PERO WALA PA RIN AKONG NAKITANG TAO..

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kung ano.. kasi parang napaglalaruan ako kapag mag isa lang ako sa itaas.

Napapansin ko na madalas rin akong paglaruan kapag nagiisa lang ako.

Pagkatapos ni tita na magbihis dahil kaliligo lamang. Sinabi ko kay tita iyon.

Hindi naman siya masyadong naniwala.. hindi ko alam pero. Paano ko makikinig ang pagtakbo na iyon.. eh busy ako na kausap ang mahal ko at naka earphones pa ako.

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now