Aswang!

244 3 0
                                    

Mula po ito sa kwento ng second cousin ko, tungkol sa tito niya na inalagaan ng isang aswang noong itong sanggol palang.

Creepy diba? Shems kinikilabutan ako

~*~

Cousin's POV

Nakwento lang ito sa amin ng lola ko. Tungkol daw iyon sa tito ko nung bata pa. Ang panganay nilang anak.

Humahanap noon ng katulong ang lola ko. Nagpasya siya na utusan nalang ang kanyang ibang kamag anak na kumuha ng masipag na 'yaya'. Kumuha ng katulong ang isa sa mga kamag anak ni lola at sinabing mula daw yung babae sa isang malayong probinsya pabundok.

Tinanggap agad ng lola ko yun dahil aligaga na raw sila sa pagkuha ng katulong dahil hindi nila maintindi ang anak nila dahil busy. So ayun, maayos naman ang naging takbo ng pangangalaga ng bagong yaya... hindi ko na matandaan kung ano nga ba ang pangalan ng naging katulong nila pero wag nalang nating intindihin.

Isang beses nagkalagnat ang sanggol, hanggang sa magpatuloy tuloy na ang pagkakaroon ng lagnat. Noon naman ay maraming tumatawag ng albularyo etc... kapag nagkakaroon ng mga karamdaman.

Nang panahon na ipinatingin ang sanggol sa albularyo ay wala ang katulong nina lola. Binalaan ng albularyo sina lola na huwag masyadong magtiwala sa mga tao na bago palamang sa paningin.

Tinanong nina lola kung bakit at anong meron. Sinabi ng albularyo na isang aswang ang may kagagawan kung bakit nagkakaroon ng karamdaman ang sanggol.

Ginawa ng lalake ang mga ritual na ginagawa ng isang albularyo. (-_-)

At sinabi rin daw ng albularyo na hanggang maaga pa ay paalisin na ang katulong sa bahay.

Nang maka alis ang albularyo ay isang saglit pa lang dumating na ang katulong... ilang araw ang lumupas at bawat araw na yun ay pinaparinggan ng lola ko yung katulong...

"Pinagkatiwalaan kita bakit mo kami ginanito"

"Mas mabuti pa na lumayas ka nalang"

Hindi rin nagtagal, umamin na ang katulong kina lola ko. At sinabing hindi niya sinasadyang gawin yun dahil unti unti na pala niyang ginagawang aswang ang sanggol kong tito upang hindi daw kunin ang bata ng mga matatanda sa bundok. Dahil nangako raw ito na mag uuwi ng sanggol sa mga matatanda mula sa bundok.

-MapaladCMaria



True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now