World War 3 na nga ba?

211 1 0
                                    

uhm sa totoo lang po, hindi naman po talaga horror ang maikwe-kwento ko ngayon. Kumabaga ito ang pinaka kakaiba (weirdest) na panaginip ko. Mahigit 3 months ago ko na yata ito napanaginipan pero ngayon ko lang ulit ito naalala. Medyo limot ko na ang ibang detalye ng aking panaginip, pero susubukan kong alalahanin para sa ikagaganda ng Kabanata na ito.

-Author.

~*~

Actually, hindi ko alam kung bakit nanaginip ako na iba ang katauhan ng katawan ko. Naaalala ko sa panaginip ko na hindi ako mismo ang gumanap o katawang tao ng babae sa panaginip ko. Kumbaga iba ang katawang tao ko pero ang takbo ng isip ko, ay ako mismo. Ang weird pero shems sana maintindihan niyo ang pinupunto ko. Simulan na natin ang storya.

Hindi ko alam kung saang lugar kami napadpad ng aking mga kasamahan, mga lola at lolo ang mga kasama ko tsaka may ibang mga bata at may mga lalake at may mag-asawa, buntis ang babae. Medyo liblib na lugar, may isang gusali kami na nakita. Sobrang taas nun, malaki pa, at bukas ang pinaka ibabang palapag na parang isa itong paradahan ng mga sasakyan. Wala kami sa aming mga sarili na pumasok doon at tila namamasyal at namamangha sa mga bawat nakikita naming mga sasakyang pang-gyera. 


Doon palang napa isip na ako na nasa isa akong panaginip, nakita ko pa ang repleksyon ko sa isa sa mga sasakyan doon na tila iba ang aking itsura. Nasa ibang katauhan ako.


Syempre, dahil mataas ang building na ito, umakyat kami sa bawat palapag at tila namamangha pa rin sa mga bawat sandata na aming nakikita, nakakamangha dahil kakaiba ang mga ito at mukhang mga bago at hindi pa nagagamit. Para kaming nasa museo. Nagkukulitang mga bata, mga nagkwekwentuhang mga matatanda at kasama ko ang mag-asawa, buntis ang babae. May sinasabi sila sa akin ngunit wala akong marinig na kahit ano mula sa kanilang bibig.


Hanggang sa nakatungtong na kami sa pinaka mataas na palapag ng gusali. Biglang tumunog ang alarm at ang buong paligid ay nilalamon na ng kulay pula na alarma. Doon na kaming lahat nagsimulang magkagulo, may mga lumabas rin na mga maskuladong lalake na may mga ahwak na baril. Ang mga kasamahan ko ay pinapasok ko sa elevator at agad na ring nag sara ang elevator. May isa akong batang kasama, isang matandang babae at ang mag asawa. Kami ang natira sa palapag at nagsimula na kaming tumakbo papunta sa hagdan at doon kami dadaan paibaba. Wala kaming nagawa kundi tumakbo, napilitan ang buntis na babae na tumakbo habang alalay ko siya, samantalang ang asawa niyang lalake ay buhat buhat ang batang babae na umiiyak. Kahit ang matandang babae ay tumatakbo rin. Alam kong dala rin ito ng tinatawag nating Adrenaline rush.


Kahit alam kong nasa isa akong panaginip, napapaluha nalang ako at gustong gusto ko nang magising. Patuloy parin kaming tumatakbo at hinahabol kami. Hanggang sa makarating na kami sa pinaka unang palapag.


mas lalong bumilis ang aming pagtakbo ng makita namin ang iba naming kasamahan na nagmamadali rin lumabas dahil sumasara na ang gate paibaba. Tulad ng mga napapanood ko sa mga action movies. Alam naming huli na kami, sinuot ng lalake ang batang babae sa ilalim ng gate bago pa ito magsara. At kaming apat nalamang ang natira sa loob ng building. 


Then everything went black *Kasi nagising ako kasi naiihi ako... skl hahahahah pero syempre nagpatuloy ang panaginip ko nung natulog ulit ako*


Ramdam ko ang sarili ko na parang nasa motor. Minulat ko ang aking mga mata at hindi nga ako nagkakamali, nakasakay ako sa motor. Siguro nakatakas kami mula sa gusali. Ang nagmamaneho ng motor kong sinasakyan ay yung lalake, may kausap siya sa telepono.


"La, pakisundo ng batang kasama ko, ililigaw ko lang ang mga humahabol sa atin"


yan ang sabi ng lalake at pumara siya sa harap ng motor ng Kasama naming lola kanina at ang kanyang asawang buntis. Sumakay ako doon at sinabi ng lola na.


"Sa bahay ko muna patutuluyin ang mga ito" sabi ng lola at umandar na.


Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging takbo ng panaginip ko. Napadpad kami sa tapat ng bahay namin. Nakakapag taka kasi. Bumaba na kami sa motor at nagulat kami ng may pumutok na baril at natumba nalang yung matandang babae. Headshot. Nangatal ang mga tuhod ko at nagsimula na kaming tumakbo ng buntis na babae papunta sa aming garahe, pero wala, sinugod siya ng isang lalake na maskulado, tauhan.


Bago ako tumakbo, nakita ko kung paano patayin ng lalake ang buntis na babae... 


Hiniwa niya ang tiyan ng buntis at hinugot ang bata mula sa kanyang tyan. Nagulat ako ng bumaling sa akin ng tingin ang tauhan at nanlilisik ang mga mata nito.


Nagmadali akong tumakbo papunta sa dulo ng bahay. 


Feel na feel ko ang mga oras na yun, biglang bumagal ang takbo ng oras. Lumilingon pa ako sa aking likuran kung maaabutan na ba ako ng lalake. 


Hanggang sa makarating ako sa dulo ng bahay, kung saan ang pintuan ng tahanan ng aking lolo at lola. Ngunit nakasarado ang pintuan, kinalampag ko ang pintuan at nagsisisigaw. Hindi ako nagkamali.


Naging mabilis ang pangyayari, binuksan ng lolo ko ang pintuan at hinigit niya ako papasok ng bahay nila at sinaradong muli ang pintuan. 


Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pag bangon ko sa aking kama.

~*~

Gulat na gulat ako. Super action siya... It was just like a movie pero parang totoo. Hinding hindi ko makakalimutan yung pagdukot ng lalake sa bata ng tyan ng ina niya...


Sorry kung pinamagatan ko siyang WW3 dahil sa mga armas na nakita ko sa aking panaginip at dahil sa nangyayari ngayon sa ating bayan, bansa at mundo. Wala kasi akong maipamagat kasi sa kasunod na update ko ay isa rin itong panaginip. Mula naman sa kaibigan ng pinsan ko. Nakakatakot naman ito at hindi tulad ng kabanata ngayon na hindi gaanong horror... Gusto ko lamang maibahagi ang aking napanaginipan.


Btw pinamagatan kong WW3 ito dahil noong nagising ako, napaisip nalang ako na parang totoo ito, dahil hinabol kami ng mga tauhan dahil nakapasok kami sa lugar na hindi dapat pinupuntahan ng mga mamamayan. Na parang government churbanes ito kaya gusto nila kaming patayin. BASTA HAHAHAHAH MAGULO AKO NGAYON MGA READERS SHEMS I LAB YA'LL.


Pero I'm sure na panaginip lang talaga yun.


-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon