Classroom

167 0 0
                                    

By Ms. Author.

Una sa lahat, ito po ay nangyari sa aming classroom. At sa akin pa mismo nangyari. Last week friday ito.

Madalas kasing half-day kami tuwing friday. Nung time na yun, di pa kami umuwi ng kagrupo ko sa thesis. Kasi nagre-revise pa kami at isusubmit na agad, kami lang grupo ang naiwan sa classroom namin at mukhang kami lang ang nasa building namin tsaka ang mga teachers sa faculty sa 1st floor.

Maya maya ng kaunti ay nakaramdam ako ng init sa loob ng room namin kaya lumabas ako (wala kasing aircon). Tsaka mahangin kapag nasa corridor. Nung binuksan ko ang pintuan ng room namin, sumalubong sa akin ang naka puting bestida na babae. Dumaan siya sa kanan ko at pumasok sa room namin. Nung una ay natigilan ako. Nang natauhan ako, sinigawan ko ang mga kaklase ko na lumabas na sila ng room at dalhin ang kanilang mga gamit.

Mukhang natakot sila sa akin kaya sumunod nalang sila. Paalis na kami ng room ng nagpaalam si Ysha na nakalimutan naming patayin ang electric fans sa loob ng room. Hindi ko na siya napigilan kaya pumasok siya.

Napasigaw kaming lahat ng sumara ng napaka lakas ang pintuan.

"Layuan mo ako!!"

Yan lang ang tanging naririnig namin kay Ysha sa loob. Bumaba ako papunta sa faculty para humingi ng tulong. Sumakto dahil lalaking teacher ang sumama sa akin para tulungan si Ysha. Pagka dating namin doon ay nakita naming bukas na ang pintuan. Nasa loob ng room sila at nanginig ang tuhod ko ng makita kong sumusuka ng dugo si Ysha. Hinahagod nila ang likod ni Ysha dahil nahihirapan na ito.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng tinitigan ako ni Ysha at ang kanyang mga mata ay naging kulay itim. At doon siya nawalan ng malay.

Agad binuhat ng lalaking teacher si Ysha papunta sa clinic para madala na sa ospital...

~*~

Absent si Ysha ng 1week na. Dapat iuupload ko to nung isang araw pa pero natatakot akong balikan ang pangyayari. Kahapon lang namin nalaman na dinala daw si Ysha sa kanilang probinsya dahil hindi raw magamot ng mga doktor.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na iupload ito.

Inaanyayahan ko po kayong lahat na ipanalangin natin ang aking kaklase na gumaling na.

Tinago ko lamang sa pangalang Ysha ang kaklase ko. Maraming salamat sa pagbabasa.

~*~
-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon