Amoy Sampaguita?

241 0 0
                                    

Istorya mula kay Author. 😂 wala lang, gusto ko lang ishare sa inyo kahit hindi naman ganun na nakakatakot.

Oct. 28, 2018

Kanina lamang ito nangyari mga bandang 12am to 1am. Palagi kasi akong nagmo Mobile Legends kaya inaabot na ng madaling araw matulog. Kasama ko kapatid ko sa kwarto. Tulog na. Katabi ko sa kama. Habang ako nagm-ML. Naka headphone ako dahil gabi na, tsaka para makinig ko ng maayos yung bf ko at yung ate niya. Naka open mic kami sa laro. (Sorry kung di niyo maintindihan kung hindi po kayo nakakapaglaro ng mga ganitong klaseng games..)

Nakaramdam ako na kailangan ko nang umihi kaya lalabas ako. Pagbukas ko ng pintuan ay agad bumungad sa akin ang amoy sampaguita, parang nabubulok na sampaguita. Agad akong kinabahan dahil wala kaming pinagsasabitan ng sampaguita dito sa 2nd floor ng bahay. Tanging sa may santo lang sa ibaba namin mayroon. Naalala ko rin na may kahulugan kapag nakaka amoy ng sampaguita ng biglaan.

Agad akong pumasok ng kwarto at ini lock ang pintuan sa takot ko. Bumalik ako sa higaan at kinausap ang bf ko habang ingame na.

"Ano nga meaning kapag nakaka amoy ng sampaguita ng wala namang dahilan?" tanong ko sa kanila nun.

Syempre loko loko bf ko kaya puro kalokohan ang sagot.

"Hala baka may kung sino na sumusunod sayo dyan" tawa pa siya ng tawa. Hindi ko nalang pinansin yun at naglaro na ulit kami. Iniisip ko na baka pagkatapos ng isang game ay mawala na yung amoy sampaguita. Ihing ihi na kasi ako. Natatakot na talaga ako.

Pagkatapos namin maglaro ay binuksan ko ulit ang pintuan. Hindi parin nawawala ang amoy. Kaya wala akong nagaws kundi ang gisingin ang kapatid ko. Asar pa nga siya dahil ginising ko.

*Kinaumagahan*

Pagkagising ko habang nagluluto kami ni mama sa kusina at ang tita ko ay naghuhugas sa kanilang lababo at ang lolo ko na nanonood ng tv sa kanilang bahay. Nakwento ko yung tungkol sa amoy sampaguita. At doon na nagsimulang magkwento sina mama at tita.

Tita: Mga 9pm nung naka uwi kami kagabi. Pagka akyat namin ay naamoy namin ni tito mo yung sampaguita sa may hagdan. Wala rin kaming sampaguita na binibili. Sabi ng tito mo ay amihan lang daw yun.

Mama: Kahapon habang naghuhugas ako ng pinggan dito sa kusina at nagwawalis si Jane. Naka amoy rin kami ng sampaguita.

Doon na rin ini kwento ni mama na baka daw dinadalaw kami ng lola ko na yumao 3yrs ago na. Hindi kami nakabisita last week noong death anniversary. Siguro daw ay nagahiwatig na bisitahin namin siya sa araw ng mga patay.

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking mga walang sense na stories hahahahaha sorry for the lame update. HAVE A GREAT DAY TODAY.

-MapaladCMaria

Next update ay tungkol sa sapi sa kuya ko 6years ng nakakalipas. 😘

True Filipino Horror Storiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن