Hila

207 1 0
                                    

Maikling storya na naman mula sa aking karanasan. (08-09-18)

Kanina lamang ito nangyari sa akin. Half day kami sa school dahil examination namin. Kulang ako sa tulog kagabi at sobrang sakit ng ulo ko. Umuwi agad ako para matulog.

Nang makauwi na ako. Diretso kwarto agad at bagsak sa kama.

Ka-video call ko yung boyfriend ko. Sabi niya na tutulog rin daw siya, kaya sabay na kami matulog. Nakapatong yung phone ko sa pader sa gilid ng kama ko at nakaharap mukha ko sa phone. Kasi nga kavideo call ko bf ko. Mas nauna akong nakatulog.

Di ko alam kung ilang minuto akong nakatulog, nagising ako kasi kusang gumalaw ang binti ko na parang may humila.

Nakita rin ng bf ko yung biglang pagmulat ko, kasi hindi pa siya tulog. Pinagmamasdan daw niya ako.

Binale wala ko yun at natulog na ulit. Hindi ko rin alam kung gaano itinagal ang pag tulog ko hanggang sa may humila na sa parehas kong binti. Nagulat ako at napatakbo palabas sa kwarto ko. At pumunta sa mama ko. Di ko sinabi sa kanya yung nangyari kasi mukhang di niya ako paniniwalaan.

Nakalimutan kong dalhin ang phone ko.

Mahigit 1 oras ang nakalipas bago ako bumalik sa kwarto ko. Natatakot pa nga ako eh. Kasi 1st time na nangyari yun sa akin. Mula pintuan hanggang sa kama ko, tinakbo ko yun sabay talon sa kama para lang makuha cp ko. Alam kong nakakatawa pero tangkana natatakot ako HAHAHAHA. (Palagi kong ginagawa yung tumalon sa kama lalo na kapag madaling araw ako na cr sabay taklob ng kumot skl)

Pagkatapos kong makuha cp ko ay lumabas agad ako ng kwarto. Naka end na yung vid call. Agad ko siyang tinawagan at sabi niya ang weird ko daw, bigla daw akong tunatakbo. Akala niya kung napaano na ako dahil ang tagal ko daw bumalik.

Sinabi rin niya na may sumilip daw sa kwarto ko. Binuksan daw ang pintuan at sumilip.
(Diba kanina naka sandal sa pader yung cp ko habang natutulog ako kanina. So, katapat lang ng cp ko ang pintuan ng kwarto ko kaya makikita niya kung sino ang papasok o hindi)

Di niya alam kung, si mama ko daw yun...

Pero wala namang tao dito sa bahay kundi kami lang ni mama. At magkasama kami kanina. Sunod ako ng sunod sa kanya kasi nga takot ako.

Sino ang sumilip?


-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now