VISIONS

88 0 0
                                    

Uunahin ko na sabihin ito, may visions ako kung saan nakikita ko ang mga panyayari o tao na mapapahamak sa hinaharap...

Mahigit 1 month na simula ng umalis ang aking lolo at lola sa kanilang bahay dito sa syudad. Napag desisyunan nila na sa probinsya nalang sila manirahan dahil retired na ang lola ko sa pagiging midwife nurse. Pinaubaya ang bahay sa aking tito at tita, naglipat na sila ng gamit doon sa bago nilang titirahan. May 5 silang anak, nasa maynila ang dalawang panganay dahil nagbabakasyon ito. Naiwan ang 3 maliliit na bata.

Ang bunso ay 2 years old palang. At siya ang inaanak ko.

Umaga noon at nagsaing ako. Magkatabi lang naman ang bahay ko sa tita ko kaya habang iniintay ang pagkulo ng sinaing ko ay tumambay ako sa bahay ng tita ko. Silang dalawa lang ng inaanak ko ang nadoon.. sinabi niya na bantayan ko ng saglit ang inaanak ko dahil may kukunin lang siya sa kabilang bahay.

Naglalaro lang ng kanyang barbie at luto-lutuan ang inaanak ko... Nang may marinig akong kalabog sa 2nd floor nila ay umiyak ang inaank ko. Kinarga ko siya at pinapatahan, hindi siya tumitigil kahit i-play ko sa Youtube ang favorite songs niya na pambata. Kaso hindi tumitigil ang kanyang pag iyak.

Visions again...

Narinig ko na may hakbang na bumababa sa hagdan, na animoy sobrang bigat ng kanyang katawan sa lakas ng yabag. Lalong umiiyak ang inaanak ko. Pinipilit ko na huwag tumingin sa hagdan dahil ayaw ko siya makita. Yung lolo ko lang naman ang ganun bumaba sa hagdan na yan. Nakatungo lang ako habang yakap ang inaanak ko. Ramdam ko na nasa harapan ko siya, dahil nakatungo at mulat ang aking mga mata. Kita ko ang pumapatak na dugo.

Nang makinig ko na paparating na si tita. Nabuhayan ako ng loob at di na ako nakaramdam ng kaba.

Pagkatapos ng pangyayari na yun ay tinawagan ko ang lolo ko, sinabihan ko sila na mag ingat palagi at huwag muna lumabas sa kanilang bahay.

Hanggang ngayon ay wala pa akong balita mula sa kanila. Sana ay wala sila sa pahamak.


-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now