Pasakay

327 5 0
                                    

POV po ulit ito ng bf ko.

~*~

Bukas na ang Mr. and Ms. 'Cheche bureche' (I don't want to use the real name of the contest).

Gabi na pero pumunta ako sa bahay ng tiyo ko para kunin ang barong na gagamitin ko bukas. Naka motor lang ako. Pagkatapos kong makuha ang barong, sumakay na ako ng motor ko at uuwi na. Kapag nasanay ka na magmotor sa gabi ay ramdam mo talaga ang lamig at ramdam mo naman kapag may nakasakay sa likod ng motor mo o wapa diba?

. Pero ibang lamig ang naramdaman ko ng mapadaan ako sa isang burol. Nag iba ang ihip ng hangin at ramdam kong bumigat ang likuran ng aking motor. Ramdam ko rin na parang may nakahawak o mabigat sa balikat ko. Kahit pinapagpagan ko ang balikat ko ay nandoon parin ng bigat. Kahit na anong bilis kong patakbuhin ang aking motor ay ganoon parin ang speed limit nito at hindi nagbabago.

Napatingin ako sa dala-dala kong barong. Kinilabutan ako. Bumalik ako sa may tapat ng burol at napadasal ako ng wala sa oras kahit hindi ko kilala ang namatay.

Pagkabalik ko sa aking motor ay wala na akong naramdaman na kahit ano.

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now