Duwende

62 2 0
                                    

Maraming salamat @QueenBloodyNight_0 sa pag bahagi ng iyong storya sa akin. :) 

~*~

Nangyari ito noong November 3, 2016 ng madaling araw. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dahil sumali ako sa United Nations fashion show noong Grade 6 ako, irarampa ang bansang Venezuela.

Natutulog na ako noon at lahat ng gagamitin para sa fashion show ay naka handa na. Nagising ako ng bandang 2am dahil sa ingay ng kapit-bahay namin na mabilis rin naman nawala. Pinipilit kong makatulog ngunit ayaw ng aking katawan. Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin. Binalewala ko iyon, humarap ako sa pader at umaasang makakatulong iyon para makatulog ako. 

"Bhe" may narinig akong babae na tumawag sa akin. Nag-taka ako kasi ang kasama ko lang sa kuwarto ay si kuya na nasa taas natutulog dahil double deck ang kama namin at si mommy na katabi kong matulog. Imposible na si mommy 'yun kasi hindi naman pang dalaga ang boses ni mommy.

Nagsimula na akong matakot. Hindi ako makagalaw at sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko sa kaba. Pinakinggan ko ulit yung boses,

"Bhe" tawag niya ulit pero maliit na yung boses niya. Parang boses ng isang duwende. Ewan ko ba pero nagkaroon ako ng lakas ng loob na mag-salita.

"MOMMY!" Iyak ko tsaka ko naramdaman na niyakap ako ni mommy, pagkatapos nun ay nakatulog na ako.

Di kalaunan ay nakaramdam ako na kailangan kong pumunta sa cr, laking pagtataka ko ng bigla-bigla nalang ako nagkasakit, sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit.

November 4, 2016 start ng fashion show, hindi na ako naka punta dahil nagkasakit ako.

November 4, 2016 start ng fashion show, hindi na ako naka punta dahil nagkasakit ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~*~

-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now