Ayan na naman

199 1 0
                                    

Short upload lang ito. Sorry peace ^_^V

~*~

Nitong mga nakaraang araw, nagpaparamdam na naman ang bata sa akin. Ibabahagi ko sa inyo ang maikling pangyayari na naganap na naman dito sa aming bahay. Kung napapansin ninyo sa mga naunang uploads ko ay andoon ang mga sarili kong experience sa mga kababalaghan.

So ito na po,

Nasa dining room kami ng tita ko. Kumakain ako ng pancit canton. Nakiki-kain rin ang tita ko. Nagm-meryenda kami kasi hapon na habang nanonood ng showtime. Diba mostly 3pm natatapos ang showtime...

Sa punto na susubo ako ng pansit, napansin ko sa peripheral vision ko, sa kaliwang side. Yung bata kung saan nasa garahe siya. Agad akong napalingon sa garahe namin at nakita kong tumakbo yung bata. Nagulat naman ang tita ko dahil bigla bigla raw ako tumitingin sa garahe.

Hindi ko nalang pinansin yun dahil baka guni guni ko lang.

Ilang araw ang dumaan. Napakwento sa akin ang tita ko. Noong isang gabi raw ay naghuhugas siya ng pinggan. Medyo malalim na rin ang gabi noon. Hindi niya alam kung guni guni ba niya yun o hindi, kasi may kumuwit daw sa kanya habang naghuhugas siya. Akala niya ako yun o yung kapatid ko kasi palagi naming napagti-tripan si Tita.. pero hindi. Kaya binilisan nalang daw niya ang paghuhugas at umakyat na para matulog.

~*~

Very short story po ito. Last last week pa po ito nangyari pero ngayon ko lang na upload kasi inuninstall ko ang wattpad sa cp ko dahil full memory bc of sims, ros, pubgm and ml... HAHAHAHA peace.

Isama natin sa ating mga dasal ang mga naliligaw na kaluluwa sa ating mundo :) guys don't forget to pray before you sleep. Make it a habit.

:) I loveyou all ^_^

True Filipino Horror StoriesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant