Tatlong Katok

97 1 1
                                    

Maraming Salamat @QueenBloodyNight_0  sa pagbahagi ng iyong storya sa akin.

~*~

May kinuwento ang pinsan kong babae at lalake na itatago natin sa pangalan na Sarah, Franco at Jelay. Kinuwento nila sa akin ang nakakatakot na pangyayari sa kanilang bahay. 

Magu-umaga na daw at gising pa silang magpa-pamilya ng narinig nila ng mahina at mabagal na tatlong katok sa kanilang pinto. Laking pagtataka naman nila kasi wala naman silang inaasahan na bisita at hindi sila mag iimbita ng bisita sa madaling araw. 

Agad silang kinabahan.

"Sino yan?" tanong ng papa nila pero walang sumagot kundi katahimikan.

Nakalipas ang ilang minuto at hindi na nila muling narinig ang pag-katok. Binalak pa daw silipin ng pinsan kong si Sarah na silipin yun kasi sa gilid nun ay may bintana, dahil sa gusto niyang silipin kung sino ang nasa labas ay ginawa nga niya ito. Hindi niya inaasahan ang nakita niya.

Isang babaeng naka itim, nakatayo sa harapan ng pinto nila habang diretso ang tingin.

Isang babaeng naka itim, nakatayo sa harapan ng pinto nila habang diretso ang tingin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

~*~



-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now