Naka-upo

133 0 0
                                    

Ito ay binahagi ng aking kaibigan. Itago natin sa pangalang Layla. POV niya to.

~*~

Madalas akong mag CR dahil pala-ihi ako. Nagdidiscussion ang klase namin. Nagpa alam ako na lalabas sa aking guro. Pumunta agad ako sa cr dahil natatakot ako, iba kasi pakiramdam ko. Pagkapasok ko sa cr ay may kumulbit sa aking balikat. Ngunit wala namang tao nung paglingon ko. Inisip ko na guni guni ko lamang iyon. Nang mapansin kong nagiisa lang ako sa cr ay mas kinabahan ako. Pero wala na eh, ihing ihi na talaga ako. Dumiretso ako sa cubicle. Saktong pagkaupo ko sa bowl ay may pumasok at kinig ko pa ang heels it's either college or shs student. Kaya nakampante ako. Tumigil siya sa tapat ng cubicle ko. Na ipinagtaka ko. Kasi 2 naman ang cubicle dito.

Dahil mababaw lang o maliit ang pintuan ay kita ko ang parteng ulo niya at buhok. Natapos na ako mag cr at nang pagbukas ko ay nanginig ang binti ko sa takot at napa upo nalang ako.

May batang naka-upo sa lababo. AT WALA SIYANG MUKHA!

Napa subsob nalang ako sa aking mga binti. Kahit madumi ang semento ng cr ay wala akong pake! Ayaw kong makita ang batang iyon!

Dinig kong tumatawa ang bata kahit wala naman siyang bibig at pumunta siya sa likuran ko. Dumamba siya na parang sinasakal ako.

"TAMA NA TIGILAN MO NA AKO!!" sigaw ko. Hanggang sa nawala ang kapit ng bata sa akin. Nagdumali akong lumabas ng cr at pumunta sa room namin. Pinahid ko mga luha ko at inayos ang aking uniform.

Pumasok sa room na parang walang nangyari.

Ayaw ko na sa school na ito. Ang sarap sunugin.

~*~

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking gawa. Nawa'y gabayan tayo ng Diyos araw araw.

-MaaladCMaria

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now