Bahay ng Kaklase ko

176 1 0
                                    

Nangyari lang to kanina. 6:18 pm na ngayon habang sinusulat ko to... mga bandang mga 2pm to 3pm ito nangyari sa bahay ng classmate ko.

Plano namin magpractice ng aking mga kagrupo sa bahay ng isa sa mga kaklase ko. Dahil sa Lunes na namin ito iprepresenta...

Malaki ang bahay nila pero iba ang nararamdaman ko sa may parte ng bahay nila kung saan andoon ang hagdan... sa dulo ng hagdan papunta sa 2nd floor nila, ay isang malaking aparador kung saan maraming dolls at may isang kamukha pa ng isa sa mga horror movies.

So ito na talaga ang nangyari, (dami ko pang echos noh HAHAHA) mga bandang 2-3pm habang nagpapahinga kami ng mga kagrupo ko...

Sa sala ako nakaupo, kaharap ang hagdan. Nag iba ang pakiramdam ko at nakakita ako ng isang babae na marumi ang suot na nasa dulo ng hagdan. Di ko makita ang mukha niya.

"Huy anong meron ?" Ginulat ako ng isa kong kaklase at nakitingin rin siya sa hadgan.

"Practice na daw ulit ah" sumunod na ako sa kanila pero di parin nawawala ang masama kong pakiramdam.

Nawala lang yun nung lumabas na ako ng bahay nila nung paalis na kami...

Idunno why...

~*~

MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now