Ang Belo

245 5 0
                                    

True Horror Story mula po ito sa aking pinsan.

Cousin's POV

Nakwento ko to kay ate, mula pa noon. Pero sabi niya sakin itype ko daw o isulat (facepalm).

So here it goes,

Na-abandona na ang bahay ng lola namin, matandang bahay na ito... Dahil abandona, napili ng mga magulang ko na doon nalang muna, dito sa probinsya namin at manirahan sa bahay ng lola ko. Dahil nasunugan kami. But everything is okay na...

Nag-ayos kami ng mga papeles o kung anu-ano para masabing amin na talaga itong bahay. Habang nasa bayan sina mama, ako lang ang natira sa bahay at nag aayos ng mga magugulo naming box na puno ng mga damit at gamit na naisalba...

Okay lang naman sakin na maiwan mag isa dahil hindi naman ako ganun na matatakutin. Kasi I don't believe in ghosts...

Napansin kong may belo na itim akong nakita sa box, wala naman kaming gamit na belo o kung ano.

Bigla akong nakarinig ng babaeng umiiyak bigla akong kinilabutan dahil mag isa lang naman ako sa bahay. Sinundan ko yung boses at napapunta ako sa may bintana ng bahay at sumilip sa ibaba tutal nasa 2nd floor ako ng bahay...

May babaeng nakatayo sa ibaba habang umiiyak... nagulat ako ng tumingala ang babae at nakita kong lumuluha siya ng dugo at ang kanyang mata ay itim na itim!!

And any minute I found myself na nakahiga sa kahoy na sahig ng 2nd floor habang sinasakal ako ng babae.

Paulit ulit niyang sinasabi yung...

"AKIN NA ANG BELO KO! IBALIK MO ANG BELO KO!"

Dahil sa sobrang takot. Nahimatay ako.

Nagising nalang ako ng makaramdam ako ng init ng katawan at tinatawag ni mama ang pangalan ko.

"Jusko naman anak! Anong nangyari sayo?"

Yan lang ang tanging sinasabi ni mama sa akin. Kinain ko ang sinabi kong 'Walang multo' dahil kani-kanina lang ay nakakita ako.

Nang maalala ko yung babae, umiyak lang ako kina mama ng umiyak habang umiiling.

Tatlong araw akong naging tahimik at hindi ipinaalam kina mama ang tunay na nangyari, kasi alam kong hindi sila maniniwala.

Ang belo? Ayun sinunog ko tulad ng mga ginagawa sa mga movies na napapanood ko. You may call it weird pero wala akong magagawa dahil baka balikan ako nung babae.

At dahil hindi na ako makapag timpi... sinabi ko rin kina mama ang totoong dahilan kung bakit ako nahimatay. Nagulat sila at never na akong iniwanan mag isa sa bahay..

Pina-basbasan nila mama ang bahay at simula nun. Wala na akong nararamdaman na kakaiba sa bahay namin.

~*~

Thank you po for voting my stories 😍😘❤

-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now