Piolo

323 4 0
                                    


Ang story na ito ay kwento sa akin ng aking BF
So here it goes! POV ng BF ko to.

~*~

Nagiinuman kami ngayon ng aking mga kaibigan. Palalim na ang gabi habang nagkwekwentuhan kami. Napunta ang aming usapan tungkol sa kaibigan naming namatay dahil binaril. 9 days ago na ang nakakalipas nang siya ay inilibing. Si Piolo.

"Pare birthday ni Rex kagabi ah? Pumunta ka ba dun?"tanong sa akin ni Gian.

"Hindi eh. Hindi ako pinayagan ng girlfriend ko. Andun kasi yung baklang kapatid nun! Nagseselos dun yung gf ko" paliwanag ko.

"Ay! May naalala ako! Naikwento sa akin ni Rex, may nangyari daw kagabi inuman nila." singit sa amin ni Onad.

"Anong nangyari?"

"Ganto kasi yun,


Nagpapabili yung baklang kapatid ni Rex ng sigarilyo at pagkain kaso ayaw bumili ng iba, Si Jojo ang nagsabing siya nalang ang bibili. Sabi ni bakla ay sa may kanto nalang daw bumili pero nagpumilit pa  na sa malayo nalang daw siya bibili at sasakay siya sa motor niya.

Magaalas diyes na ng gabi ng umalis daw si Jojo. Kaso mag aalas dos na ng madaling araw ay hindi pa daw siya bumabalik. Sabi ng matandang kainuman nila na nakita niyang nakasakay sa motor si Jojo at may dalawang lalake na sumakay rin sa likod ng motor.

Mag uumaga na daw ng dumating si Jojo. At panay sigaw daw ng 'Piolo'.

Nakasama daw niya si Piolo, at magkasama daw silang naguuli at namamasyal sa bayan habang naka motor. Eh diba patay na si Piolo?"

~*~



True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon