Bangungot

595 10 2
                                    

By: Mr. Classmate ni Ms. A

POV to ng classmate ko ha :) lalake to

09 19 16

~*~

Kauna-unahan kong naranasang bangungot:

Sa kwarto ng bahay namin ako natutulog, nasa paanan ko ay yung pinsan ko. Mga bandang madaling araw na ay nagising ako. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at hindi ako makagalaw.  Sinubukan kong sipain ang pinsan ko pero wala pa rin.

Bigla kong naalala.
Ang sabi ng papa ko ay kapag binabangungot daw ay igalaw ko daw ang mga daliri ko sa paa..

Ginawa ko iyon at nakagalaw na ang buong katawan ko. Bigla akong napalingon at may nakita akong...

 dalawang lalake na maitim na gumagapang sa sahig ng kwarto.








Pangalawang beses:

Doon pa rin ako natulog sa kwarto. Mag isa nga lang ako ngayong gabi.

Ganon pa rin ang nangyari.. pero ang kakaiba nga lang, lumingon ako sa may pintuan ng kwarto at may nakita akong

Batang babae na nakangiti sa akin.










Pangatlong beses:

Nagawa ako ng assignment ko ng gabing yun habang nanonood ng tv sa sala namin.

Nakatulog ako sa sofa sa sala, pagkamulat ng mga mata ko hindi ko na namn maigalaw lahat ng parte ng katawan ko at tanging mga mata ko lang ang naigagalaw ko, pagkatingin ko sa may kusina namin, mayroong nakatayo..

Nakatayong babae na nakaputing bestida, maitim ang balat at mga pulang nanlilisik na mga mata.

Nagising ako dahil sa pagkabato ng bag sa akin ni ate.

Sa paanan kasi ng sofa ay lagayan ng mga bag at hindi sinasadyang tamaan ako ni ate ng kanyang bag. At nagpapasalamat talaga ako na nagising ako kasi kung hindi, baka mamatay na ako sa takot.

Hindi ko alam kung panaginip lang ba lahat ng yun o hindi.. ang gusto ko lang naman malaman na...

Ano ang dahilan ng pagpapakita nila sa akin...

True Filipino Horror StoriesKde žijí příběhy. Začni objevovat