By:Ms. Author
Dopleganger
Hehe madami kasi akong karanasan sa bahay ng lola ko. Yung andun sa unang UD ko na Ang Babae, yun yung may ari ng bahay na to. Basta magulo tong bahay, 3 bahay sa iisang lupa. At nagtatagpo lamang sa kusina ang mga pinto.
Andoon ako sa pangatlong bahay, sa bahay na inuupahan ng lolo Popoy at ng lola Eden.
Doon ako nakikinood ng EatBulaga tuwing tanghali. So ayun, naka- upo ako sa may malapit sa pintuan, maya maya ng konti, nakita ko sa gilid ng mata ko na may batang pumasok sa bahay ng lola ko, inisip ko nalang na si jelay yun, yung kapatid kong bata. Pero ang mas lalo kong ipinagtaka ay wala namang tao dun, iniiwan lang yun na bukas ni lola or ni tito.
Edi sa sobrang pagtataka ko ay pumunta ako sa pintuan ni lola at nakita ko na may nakaupo sa hagdan, bata yung nakaupo. Ang kita ko lang sa hagdan ay yung binti ng bata,
Inisip ko na baka na si jelay lang yun.
"Jelay! Ano ba ang ginagawa mo dyan? Walang tao dyan! Hala ka! May multo dyan! Jelay!"
Nag sisigaw pa ako ng pangalan ni jelay kasi hindi siya gumagalaw,
"Jelay!"
"Bakit ate?" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si jelay na kapapasok palang ng bahay ni lola.. Shit
Pagkalingon ko sa may hagdan, kinilabutan ako kasi
Wala na ang bata sa may hagdan..
![](https://img.wattpad.com/cover/84221729-288-k448385.jpg)
YOU ARE READING
True Filipino Horror Stories
Horror#2 ghost - Highest ranking #32 horror-thriller #8 guide Ito po ang koleksyon ng aking mga karanasan at karanasan ng iba pang bumahagi ng kanilang istorya. Pwede niyo po akong i-pm para mai-share ang inyong mga karanasan, mga kababalaghan.. enjoy...