Babaeng naka PUTI

153 0 0
                                    

Story by Ms. Author

Hindi ko alam kung bakit ang dami na namang nagpaparamdam sa akin ngayon. Hindi ko nga alam kung totoo ba na kapag malapit nang mag November, ay maraming multo nasa paligid?

Lalo na sa building ng school namin. Madalas nagpaparamdam sa akin yung babaeng nakaputi. Simula nung nangyari sa kaklase ko, doon na ako palaging sinusundan ng babae sa school.

Kapag wala akong kasama mag cr, nagpaparamdam siya. Kaya mas gusto ko ngayon na may kasama ako palagi. Hindi ko hinahayaan na nag iisa lang ako.

Kapag hapon at uwian na. Ang section namin ang late umuuwi kaya wala nang tao sa mga rooms at corridors. Kapag wala akong kasama, nakikita ko siya sa bawat rooms na nadadaanan ko. Nakasilip siya sa bintana... Nakikita ko yun palagi sa peripheral vision ko...

Hindi ako lumilingon kapag nararamdaman ko siya tuwing nag iisa lang ako. Lalo na kapag nakakasabay ko umakyat ng hagdan ang babae. Kahit nanginginig ang aking mga tuhod, tuloy parin ako sa pag akyat.

Kapag may klase kami, nakikita kong may bata na walang mukha na nag uuli sa building namin kasi malapit lang ako sa may bintana. At ang nakakatakot doon ay ginugulo niya ang mga armchairs sa loob ng room namin kapag walang tao. Halimbawa ay kapag pumunta kami sa gym. Mada-datingan namin na ang room ay makalat at gulo gulo ang armchairs.

Ayaw ko nang makaranas ng ganitong mga karanasan. Ayaw ko nang makakita. Nakakatakot. Sawang sawa na akong makakita ng mga ganito.

~*~

-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora