Banyo sa School

208 0 0
                                    

Nararanasan ko ito sa school namin. At hindi ko na babanggitin ang school for privacy :)
Short story again

-Miss Author

~*~

Hindi ko alam kung bakit ganun palagi ang nararamdaman ko tuwing papasok ako sa cr ng school namin sa senior high building.

Ang classroom ko ay nasa 2nd floor at malapit lang rin sa cr.

Tuwing ccr ako sa hapon nagkakaroon ako ng ibang pakiramdam tuwing iihi ako sa cr.

Kapag nakapasok na ako sa cubicle. Palagi akong nakakarinig ng ingay mula sa 3rd floor. At palaging ingay mula sa mga upuan na nagkakalampagan, o hininila ang naririnig ko. At minsan nakakangilo, na parang kini-kiskis ang upuan sa 3rd floor.

Iniisip ko nalang na, baka may activity sa isang section sa itaas na kailangan itabi ang mga upuan kaya ganoon nalang.

At sa tuwing nararanasan ko yun. May kakaibang ingay akong nakikinig mula sa kabilang cubicle. Dahil 2 lang ang cubicle sa loob ng cr. Hindi ko malaman laman kung ingay lang ba sa mga nagkakagulong upuan sa itaas ang naririnig ko o kung may umiiyak na babae sa tabi ng cubicle ko.

Nagkakaroon ng halo halong tunog ang mga upuan sa itaas kaya di ko maintindihan, imposibleng may pumasok na babae dahil wala naman akong nakinig na nagbukas o nagsara kanina sa kabilang cubicle.

Bigla kong naalala yung pangyayari noong highschool pa lang kami. May ka-batch ako na nakakakita ng mga multo, sinabi niya na sa 3rd floor sa highschool building, nakita niya na may babaeng nakaupo sa ilalim ng lababo sa cr doon.

Kahit na sa higschool building yun at nasa senior high building ako, bigla nalang akong kinilabutan at napatakbo palabas ng cr.

Yung mga naglalakad sa corridor ay nagulat sa akin.

Di ko alam kung bakit may mga nagpaparamdam sa school namin, isang katolikong paaralan ito pero bakit ganun?

Ating ipag dasal ang mga naliligaw na kaluluwa sa ating mundo upang mahanap na nila ang liwanag.

~*~

-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesWhere stories live. Discover now