Dorm

175 0 0
                                    

Mula po ito sa isa sa aking mga kaibigan sa school. Soooo si Ms. Author ay grade 11 student. Kaya this school year sa school namin ay maraming new students o tinatawag nating transferee's na mula pa sa iba't ibang school sa lalawigan namin. So here it goes,

(Btw pina-type ko sa kanya yung story niya. Hindi ko ipinaalam rito ang kanilang tunay na pangalan)

~*~

Mula ako sa Perez, Quezon. Lumipat ako ng school para doon mag Grade 11 at 12 at hindi ko babanggitin kung saan ako nag aaral ngayon, para sa privacy. Malapit lang sa school namin yung dorm ko. May kasama rin ako sa kwarto, si Angela. Btw ako nga pala si Rose.

Marami rin namang mga tao ang andito sa building kaya mukhang safe naman. Tsaka walking distance lang to sa school namin. Masaya rin dito. Kaso sa hindi inaasahan...

Isang gabi, hindi ako makatulog. Okay lang naman dahil friday naman, sabado bukas kaya walang dapat ika-bahala wala kasing pasok yeeeey hahahaha.

Pero back to the story, hindi ako makatulog. Ganun rin si Angela, kaya ang ginawa nalang namin ay magkwentuhan tungkol sa aming mga buhay buhay.

Hindi na namin namalayan ang oras, napatigil kami sa aming kwentuhan ng makarinig kami ng malakas na ungol ng pusa na parang may kaaway sa labas ng dorm. Hinayaan lang namin yun at nagpatuloy kami sa kwentuhan. Hindi na namin pa pinansin yung pusa.

Maya maya ng kaunti ay nakaramdan na kami ng antok. Pero di namin akalaing sa dis oras ng gabi ay may kakatok sa aming pintuan. Agad akong kinilabutan at nagkatinginan kami ni Angela. Dahil ako ang matatakutin sa aming dalawa, ako ang lumapit sa kama niya at magkatabi kaming humiga at nagtalukbong ng kumot.

Kumakatok pa rin ang nasa kabila ng aming pintuan. Nanginginig na ako sa takot. Dahil kumakatok lang ito at walang nagsasalita.

Tumigil ang katok pero sinundan naman ito ng iyak ng isang babae. Sa sobrang takot namin ay nag unahan na kaming dalawa na makalabas ng aming kuwarto humingi kami ng tulong sa landlady namin at halos mangiyak ngiyak ako sa takot.

Simula nung nangyaring iyon sa amin ni Angela. Hindi na kami nagapa abot ng dis oras na gabi na gising, kahit major pt pa o assignment na hindi natapos. Basta makatulog kami ng maaga para di na naman namin maranasan yung nangyari.

~*~
THANK YOU FOR SHARING!!!

-MapaladCMaria

True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon