Panaginip

160 1 0
                                    

Istorya mula sa bff ng pinsan ko. Ang mga pangalan na mababanggit sa kwentong ito ay hindi totoo. Itatago ko ito sa iba't ibang pangalan. Maraming salamat sa pagbabasa. POV po ito ng bff ng pinsan ko. Which means bff niya ang nag sulat nito, pinasa lang sa akin.

~*~

Ako nga pala si Delilah. Bata palang ako noon, iniwan na kami ng aking ina. Hanggang sa namatay ang tatay ko sa sakit sa atay dahil isa siyang lasenggo. Ang kasama ko ngayon sa buhay ay ang aking lola at lolo. Sa kanila ako nakatira dahil wala na ang bahay ng tatay ko, binenta noong namatay siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam ang aking ina. Simula ng namatay ang aking tatay, doon na ako nagsimulang hindi maniwala sa Diyos. Dahil hinayaan Niya na mawalan ako ng ama at ina sa murang edad palamang. 


Nang tumungtong ako sa high school, wala akong ginawa kundi bumarkada sa mga tambay sa may amin at natuto mag inom. Ilang taon ang lumipas, natauhan ako sa mga ginawa ko noon, humingi ako ng tawad sa aking lolo at lola dahil matigas ang ulo ko. Nang mag grade 10 ako, doon ko nakilala ang mga kaibigan ko na sila Jona, Alyssa at Kae. Kahit bulakbol ako noon, hindi ko naman pinapabayaan ang pag aaral ko. Nasa STE program ako sa school namin. Special section daw kung tawagin ng iba. 


Nagka ayaan kami ng aking mga kaibigan na doon kina Kae gumawa ng project sa susunod na linggo. Sumang ayon naman kaming lahat. Kinagabihan natulog agad ako ng maaga. 

Hinahabol ko ang aking paghinga at pumasok sa isang malaking pintuan. May humahabol sa akin. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Mas lalo akong nagulat ng lumingon ako sa likuran ko. Isang malaking demonyo ang nakikita ko. May malaking dalawang sungay, itim na itim ang mga mata, ang malaki niyang katawan. Paulit ulit siyang tumatawa at binabanggit ang pangalan ko sa malambing na paraan.

"Delilah"

Nanginginig na ako sa takot at di ko na alam ang gagawin ko. Ang tanging naisip ko nalang ay ang magdasal ng Ama Namin. Ngunit nakakapagtaka, hindi ko maibuka ang bibig ko at hindi ako maka-imik. Parang nabura sa isipan ko kung paano magdasal ng Ama Namin. Ang tanging naiisip ko lamang ay 'Ama namin sumasalangit ka' hindi ko na matandaan kung ano ang kasunod. Nanginig ako sa takot ng nag-iba na ang paraan ng pagtawa ng demonyo, yung nakakapikon, nakakainis at mas lalong nakakapaluha. Pumikit nalang ako dahil wala akong magawa, wala na akong marinig na ingay. Pagmulat ko ng aking mga mata nasa kwarto na ako at umaga na agad pumasok sa isip ko na ISANG PANAGINIP lang yun. Agad akong bumangon sa kama at pumunta sa lola ko. Umiyak ako ng umiyak sa kanyang bisig at panay tanong niya kung bakit at ano ang nangyari.


Sa mga sumunod na gabi, palagi kong napapanaginipan ang aking ama. Paulit-ulit niyang sinasabi ang katagang "Anak, si Jona" kinakabahan ako sa kanyang mga sinasabi. Mahigit tatlong gabi ko itong napapanaginipan. 


Wala akong pinagsasabihan sa aking mga napapanaginipan. Nararamdaman kong isa itong palaisipan na kailangan kong malaman ang kasagutan.


Isang gabi napanaginipan kong kasama ko sina Jona, Alyssa at Kae. Mukhang paalis kami sa bahay nina Kae. Sinilip ko ang cp ko at nakita kong 3pm na. Naglalakad kami sa kalsada habang nagkwekwentuhan. Napapasarap ang aming kwentuhan, hindi namin napansin ang tricycle na papadaan, humaharurot ito. Hindi naka tabi agad si Jona dahil sa maliit ang kalsada dito at puro damuhan. Halos mapaluhod ako at nakatulala lang sa nangyari kay Jona, na hit and run siya ng tric. Naka dapa siya sa kalsada habang ang dalawa kong kaibigan ay nag iiyakan at hindi alam kung ano ang gagawin. Sigaw ako ng sigaw ng tulong. 

Ayaw ko ng may mawalang malapit sa akin at mahal ko sa buhay ko. Ayaw ko nang maranasan ng maiwanan. Si Jona ang aking pinaka matalik na kaibigan.


Ginising ako ng lola ko. 

"Umiiyak ka apo. Sigaw ka ng sigaw kaya pumasok na ako dito."

Isang panaginip.

Ngayon ang araw kung saan pupunta kami sa bahay ni Kae dahil gagawa kami ng project. Hindi ko makalimutan ang panaginip ko na yun. Unti unti na rin pumapasok sa isip ko na nagbibigay ng babala ang aking ama. Mukhang may masama ngang mangyayari kay Jona. Pipigilan ko ba ang mga nakita ko sa panaginip ko?

Nasa bahay na kami ni Kae at palagi kong tinitingnan ang oras sa aking cellphone. Kanina pa ako hindi focused sa ginagawa namin. Inaya kami ni Alyssa na pumunta sa kanila para mag movie marathon dahil wala daw doon ang kanyang mga magulang. Sinilip ko ang aking cp at nakita kong saktong 3:00 pm. Katulad ng nasa panaginip ko. Agad akong tumutol sa gusto nila. Umiyak na ako at doon ko na kinuwento sa kanila ang mga napapanaginipan ko. Simula sa demonyo hanggang sa pagkamatay ni Jona. 


Natakot si Jona sa posibleng nangyari, wala kaming nagawa kundi manatili nalang sa bahay nina Kae. Pumayag naman ang mga magulang namin na manatili muna kina Kae,


Kinaumagahan habang kumakain kami ng almusal sa bahay ni Kae. Napadaan ang kaibigan ng nanay ni Kae sa bahay ay narinig namin na, may namatay daw na tricycle driver sa may kalsada malapit dito, bumangga sa poste ang tric dahil nawalan daw ng preno at mabilis ang takbo.


Nagkatinginan kaming apat habang kumakain. I gave them a worried look.

Simula nun, naging maingat na si Jona pagdating sa mga kalsada at sa lahat ng maaring aksidente sa aming apat.


Nalaman ko rin na premonition ang tawag sa panaginip na maaaring mangyari in the future. At precognition ang tawag doon kapag nangyayari na ang napanaginipan mo...

~*~

-MapaladCMaria



True Filipino Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon