Chapter 2

760 10 0
                                    

--- First Meeting

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Elena (Point Of View)
Pagkatapos ng chitchat namin kanina nila Shane at Katrina pati si Hannah na pinakilala nila sa akin kanina.

On the way to canteen

"Katrina and Hannah kayo muna ang maghanap ng uupuan natin. Kami naman ni Elena ang mag-oorder ng foods natin." -Shane

"But I want to come." -Katrina

"Hep! No buts. Go na." -Shane

"OK! hmp! Tara na nga Elena." -Katrina

We made our way to find our seats. Doon kami sa may labas kase mahanging at konti lang ang tao sa labas. Apat ang upuan ang pinili namin para sakto sa amin. Umupo na ako pati na si Katrina.

"Can I ask you?"

"Sure. Go ahead."

"Bakit ba ayaw ka nilang isama?"

"Kase malaki daw ang nagagastos kapag kasama ako. Eh kahit ako naman ang magbabayad, magastos pa rin. Kaya everytime na pupunta kaming canteen ganon ang nagiging scenario."

I laughed.

"See. Hay! Kaya I'll just wait na lang here."

May pagkaconyo din pala itong si Katrina.

Mamaya dumating na sila Shane na may hawak na pagkain na sakto lang sa amin. Walang kulang, walang sobra.

"Oh! Kumain na kayo. Medyo bilisan niyo rin para makapaglibot tayo. We still have 1 and a half hour bago ang next subject natin." -Shane

Habang kumakain kami biglang nagsalita si Hannah kase tapos na naman siyang kumain.

"How about gumawa tayo ng nicknames natin para lang sa group na ito." -Hannah

"Sus! Daming alam." Sabi ni Katrina na kakatapos lang kumain.

I set aside my plate na ubos na and get a tissue.

"Maganda yun para maging comfortable naman si Elena. Right?" Sabi ni Shane na nakatingin sa akin.

"Uhm sige, sure."

"Me first, call me Kat"

"Akin kahit Shane na lang, wag mo nang palitan."

"For me, Hanney na lang"

"At para naman sa akin. Hmm?" Nag-isip muna ako.

"Addie? Isn't it good?"

"Pwedeng-pwede yun. Pero gawin nating special someone lang ang tatawag sayo ng ganun. We'll call you Elena pa rin. Kase yung name na Addie iba na yun eh." -Shane

"Ok. Call me Elena pa rin :)"

* garden *

Umupo kami sa may halamanan sa gilid.

"Wait! I'm thirsty na." -Katrina

"Then, let's buy a drink." -Hannah

"Jusmiyo! Halika na nga." -Shane

Lumingon sila sa akin.

"You want to come?" -Katrina

"No, y'all go. Pahinga muna ako. Hintayin ko na lang kayo." I smiled.

Umalis na sila at nagpahangin muna ako. Sa sobrang lakas ng hangin napa-isip ako bigla.

~♡~
Chris (Point Of View)

Habang hinihintay ko si Louie dumiretso ako ng garden para doon ko na lang hihintayin kesa naman nasa canteen ako. Nakakainis kase yung mga babae na nagpapapansin, di naman sa ayaw ko. Walang lang ako sa mood ngayon. Gusto ko magpahangin kaya pumunta na akong garden.

Habang naghahanap ako ng mauupuan may nakita akong babae na naka upo mag-isa sa may bench. Puntahan ko nga muna.

Wait nga lang parang kilala ko siya. Hmmm.....

Aha! Siya yung transferee. Sino naman kaya ang hinihintay niya.

"Ehem.."

Napatingin siya sa akin na may gulat sa mukha pero agad din napalitan ng ngiti sa kanyang labi.

"Uhm. May kailangan ka ba?" -Elena

"Ah. Itatanong ko lang kung ikaw ba yung transferee sa section namin."

"Oo, ako nga yun. Bakit?" -Elena

"Wala lang kase napadaan lang ako dito at nakita kitang nag-iisa kaya nilapitan na kita."

Napangiti siya at umayos ng upo.

"Halika maupo ka muna sa tabi ko. Hinihintay ko lang kase sila Shane dahil bumili sila ng maiinom." -Elena

I took her offer then I sat on the bench. Di mo maiaakalang maganda pala siya kapag malapitan. Di ko naman sinabing pangit siya sa malayo. Mas nakikita yung ganda niya kapag malapitan.

Hep! Wag kayong ano dyan. Hindi ko pa siya gusto. Engk! Wrong grammar. Hindi ko pala siya gusto pero maganda siya.

Nagkwentuhan muna kami habang hinihibtay namin yung mga kaibigan namin. Nagtanong lang siya ng ibang bagay dito sa school and etc. Hanggang sa natatanaw ko na sila Shane.

"Ayun na ata sila." Turo ko at tumingin naman siya.

Papunta sila dito na nakunot ang kilay at agad din ngumiti ng makilala nila ako.

"Oy! Chris. Kabago bago palang niyan dumadamoves ka na ha." -Hannah

"Oy ka rin! Wag ka nga. Di pa pwedeng makipagfriends lang -_-"

"Sus! Kunwari ka pa." -Katrina

"Makaalis na nga."

"Hala! Beastmode na siya niyan." -Hannah

"Good Bye Elena! Kita na lang ulit tayo sa room :)"

"Bye!" -Elena

"Aysus! Wala man lang paalam sa amin?" -Shane

"Bye brotha!"

"Sira! Babae ako uy!" -Shane

Natawa na lang ako at umalis na. Natanaw ko si Louie na paparating pa lang.

Hinampas ko siya ng di gaanong malakas sa braso.

"Ang tagal mo naman! Asar! Kanina pa ako naghihintay sayo"

"Sorry na boss" -Louie

"Hay! Ilibre mo na lang ako"

"Yes sir!" Nagsalute pa siya.

Canteen

Habang kumakain kami biglang dumaldal tong loko.

"Balita ko may bagong transferee sa inyo ha." -Louie

Kung nagtataka kayo, nasa section 2 siya. Di ko siya classmate simula ng magtamad siya joke! Basta di ko siya kaklase.

"Oh? Ano naman?"

"Sus! Nainlove ka lang eh. Kase maganda daw. Yieee! May pag-asa ka ba?" -Louie

"Unggoy! Huwag mo nga ako isali sa kalokohan mo. Puro ka lovelife."

"Weh? Pusta ko piso, mamahalin mo rin siya." -Louie

"Kumain ka na nga lang dyan, dami mong alam eh."

Tinawanan niya lang ako at tinuloy na namin ang paglamon este pagkain.

~*~*~*~

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now