Chapter 48

8 0 0
                                    

Lalapit na sana ako pero nabigla ako sa ginawa ni Shane.

Hinila niya si Chris papalapit sa kanya pero di ko na naaninag kung anong ginawa niya. Nang biglang lumakas ang ulan.

Di ko alam pero tumulo na lang bigla luha ko. Kahit di ko naman alam kung anong sunod na ginawa nila doon. Umalis na ako. Dumaan ako sa gym.

"Boys, sa inyo na lang tong baked cookies. Sa totoo lang naisip ko na mas kailangan niyo nyan baka kase nagugutom na kayo." binigay ko sa kanila yung baked cookies.

"Oh bakit? Nakita mo na ba si Chris?" tumalikod na ako at di ko na sinagot yung tanong niya.

"Elena!! Thank youu"

Umuwi na lang ako sa bahay.

"Kamusta? Anong nangyare?" salubong sa akin ni Hannah.

"Bukas mo na lang ako kausapin, pagod ako eh"

"Hala what happened sis? Bat ganyan ka." pag-aalala sa akin ni Hannah.

"Wag ngayong please?" 

"Sige pahinga ka na" pinaakyat niya na ako.


Humiga ako agad sa kama. Pinikit ko mga mata at naalala ko na naman yung nangyare kanina. Naluha na naman ako. Dapat siya yung isusurprise ko eh pero ako pala yung nasurprise. 

Tumunog ang cellphone ko.

Elena. Pumunta sa amin si Chris. Hinahanap ka. Nasaan ka ba? -Levi

Di ko na lang ako sumagot sa text niya. Pero tumunog na naman cellphone ko.

Nag-away ba kayo? Kanina ka pa kase niya hinahanap eh. Mapapagod yun. -Levi

Inoff ko na lang yung phone ko.

Natulog na lang ako. 


7 hours din ang tinulog ko. Siguro sa sobrang pagod na din.

May kumakatok sa pintuan ko, si Hannah. Since siya lang naman kasama ko sa bahay.

"Elena! Please buksan mo yung pinto. May problema ba? Pag-usapan naman natin." boses ni Chris.

Di ako sumasagot.

"Sinabi sa akin ng mga kasama ko sa gym na pumunta ka daw sa school park para sorpresahin ako. Pero ilang minuto lang bumalik ka daw at binigay yung baked cookies sa kanila. Para sa akin ba yun? Pero bakit mo naman binigay sa kanila. Natakot ka bang di ko magugustuhan. Kahit ano namang gawin mo, magugustuhan at magugustuhan ko yun basta gawa mo." kwento niya.

Talaga ba? sarcastic na tanong ko sa isip ko.

Kumatok ulit siya.

"Natutulog ka ba? Sorry kung naistorbo man kita pero sana kapag nagising ka o gising ka man ngayon. Baba ka at hihintayin kita sa sala niyo." narinig ko ang yapak niya na bumaba na siya.

Gusto ko siyang puntahan sa baba pero may pumipigil sa akin eh. Parang ayokong ibalewala na lang yung confession na nangyare kanina. Ayokong ipagsawalang bahala na lang yun kase hindi yun bastang confession ng ibang babae sa kanya. Kase bestfriend ko yun eh. Saka may nangyare pa na di ko alam pero may kutob ako.

Napag-isipan kong bumaba na lang at makinig sa sasabihin niya. Nagpalit muna ako ng suot. Inayos ang sarili ko. Yung mukhang hindi umiyak. Mukhang walang bahid ng lungkot. Saka ako bumaba.

Sa pagbaba ko ng hagdan. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti.

"Elena" tawag niya.

"I love you" sabay yakap sa akin.

Totoo pa ba yan? ginugulo na naman ako ng isip ko.

Nakangiti lang siya sa akin pero ako seryoso lang na nakatingin sa mata niya.

"May problema ba?" tanong niya.

"Wala naman. Ikaw may problema ka ata?" di ko na napigilan. Gusto ko na siyang pigain.

"Huh?" pagtataka niya.

Wag ka na magpaligoy-ligoy please. 

"Mukhang may mahalaga kang sasabihin eh."

"Siguro nakita niya kanina, sh*t" bulong niya sa sarili niya.

"Love, I have a confession please makinig ka lang. Intindihin mo lang ako." huminga siyang malalim.

"Kanina bago ka pumunta. Hinihintay kita sa school park. Yung boys sa gym kasabwat ko sila. Sabi ko guluhin ka muna habang inaayos ko yung sorpresa ko sayo. Patapos na ako sa paghahanda pero biglang dumating si shane....."

Kalma self, breathe in, breathe out. Makinig ka lang.

"Tinawag niya ko. Pero di ako nagpatinag kase nga inaayos ko yung surprise ko sayo. Pero hinila niya ko patayo hanggang makarating kami sa tabi ng puno. Nagconfess siya sa akin. Sabi niya gusto niya ako since bata pa kami......

(Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko)

Pero love, I didn't say anything, I just listen to her confess--"

Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Sabihin mo na lang yung huling nangyare, alam ko na eh. Ayoko nang marinig pa ulit." pinigilan kong maluha.

Nakita ko sa mata ni Chris na parang mababaliw na siya dahil sa nangyayare sa amin.

"Elena. I---"

"Chris please. Gusto kong marinig mismo sayo at ayoko sa ibang tao. Lalo na sa kanya. 'cause you know what will happen next if that happens." naluha na si Chris.

"Elena, she kissed me on my lips." yumuko siya.

Sinampal ko siya.

"Bakit hindi ka lumayo? In the first place alam mong yun na ang gagawin niya eh." basag na boses ko. 

"DI KO ALAM! ELENA!" sigaw niya sa akin.

Nabigla ako sa ginawa niya. This is the first that he yelled at me. Umatras ako.

"I'm sorry. It just that I didn't know." pagmamakaawa niya.

"Siguro ito yung gustong mangyare ni Shane. She wants our relationship to fall apart." naluha na ako ng tuluyan.

"No she doesn't. She said that she accepted everything that happened. Sabi niya okay lang daw if I'm happy with you." sabi niya.

"But SHE KISSED YOU!" napasigaw na ako.

"And the worst part of it, hindi ka man lang pumiglas agad. That it looks like you enjoyed it." sarcastic kong sabi.

"What? Do you hear yourself right now? I enjoyed it? Bakit ko ieenjoy yung ganung bagay samantalang girlfriend kita at that moment." galit niyang sabi sa akin.

"Maybe you want benefits from me and my dear bestfriend. Baka gusto mo ng ganun habang di ako kasama." I'm going insane what am I saying stuffs like this.

"You're insane. So you say I'm a two-timer. Pero at that moment I was preparing my surprise for you."

"If baliktarin kaya natin yung sitwasyon. Sige ako ang magpeprepare sa surprise ko sayo. Then ganyan din may manghihila sa akin. Then hahalikan ako, and di ako pipiglas, nandoon ka makikita ang moment na yun. What would you feel? It'll sting your heart right? Yun yung naramdaman ko kanina and you thought matatanggap ko agad. Samantalang I witness it with my both eyes." tinalikuran ko na siya.

Huminto ako.

"Sorry Chris, pero if nakapagdesisyon na ako. Please, tanggapin mo na lang."

Tumuloy na ako sa paglakad.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now