Chapter 31

234 1 0
                                    

--- Beside Me

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Chris (Point Of View)

Ang ganda talaga ng mukha niya kahit natutulog. Bale magkatabi kami sa kama at siya naman nakahiga sa braso ko. Wala akong balak sa kanya dahil may respeto pa rin ako sa kanya kahit na katabi ko siya ngayon.

Hay, siguro sa sobrang pagod at stress sa akin or sa mga problema niya kaya siya nahimatay. Kawawa naman ang love ko. Ang tanong love ba ako? Hahahaha soon.

Di ko mapigilan titigan lang ang mukha niya. Maputi, maganda ang pagkakinis ng balat at makikita mo talagang napaka inosente ng itsura niya.

Ito siguro yung babaeng ginusto ko. Kahit na maganda may bait at talino pa rin siya. Kailangan niya kaya sasabihin ng totoo na gusto niya rin ako? Ang tagal ko nang naghihintay pero kahit papaano hindi ako nagsasawang maghintay sa kanya.

Si Louie maswerte dahil napasagot niya na si Hannah. Si Jackson swerte din dahil may Katrina na siya na magpapasaya sa kanya. Si Levi forever sister na si Shane. Maswerte ako sa friends ko dahil hindi sila nagkukulang na pasayahin ako pero parang incomplete pa rin ako. Si Elena na lang talaga kulang eh.

Sana kapag sinabi niya na gusto niya ako, yung hindi siya magdedeny. Yung aaminin niya sa lahat na gusto niya ako. Aalagaan at lalambingin. Syempre ganun din ang gagawin ko sa kanya. Mamahalin ko pa siya ng lubusan. Pero, kailangan kaya mangyayari ang lahat ng iyon.

Alam ko may first kiss na kami pero M.U pa lang ako nun. (Mag isang umiibig) di ko nga alam kung gusto niya ako that time eh. Pero siguro naman gusto niya ako ng time na yun. First kiss niya kaya ako? Naku kapag nalaman ko lang matutuwa o kaya magcecelebrate ako hahaha.

*beep*

Tinignan ko sa phone ko kung sino ang nagtext. Dapat di ko na tinignan eh nakakainis.

Pagkatingin ko sa phone ko nagtext si Shane.

"Is she okay?" text ni Shane na puno ng pag-aalala.

"Yes. Don't worry." text back ko sa kanya.

"Does her parents know?" shocks! Hindi pa pala.

"I forgot. Can you make an excuse? Kase kapag sa akin nanggaling baka hindi manila at kung ano pa ang isipin nila" nakakainis! Bakit ko nalikot yun? Asar!!!

"Okay."

Di na lang ako sumagot para matext na ni Shane.

×
×
×
×

Shane (Point Of View)

Bwisit talaga yung lalaking iyon. Di man inisip yung kalagayan ng magulang niya. Sa sobrang focus kay Elena. I hope she's okay. Kahit na karibal ko yun, syempre BFF ko love ko pa rin siya. Nag-aalala pa rin ako sa kanya.

I started to text her mom dahil yun pa lang ang close ko.

"Good Afternoon Tita. Elena's with me. And she's not feeling well. But I gave her what she needs so don't worry" I sent it to her mom.

Wala pa atang 15 seconds at nagreply na agad siya.

"Thanks hija. For taking care on her. Akala ko kung ano na nangyari sa kanya 'cause she's not comin' home. If ever na she's not feeling well talaga. Pwede naman na bukas mo na lang siya ihatid. Cause I know she's with the right person naman." She said.

Letchugas! Tuwang tuwa nito si Chris. Magdudusa ako hahaha char!.

Bago ko sagutin yung mommy ni Elena. Nagmessage muna ko kay Chris.

I ss the text of Tita and send it to Chris...

"Hey! What would you do?" -Me

Seen

"Seener!!!" -Me

"Wait. I'm shock. Is that true?" -Chris

"Why would I edit such a thing that would make you happy?" -Me

"I don't know maybe you like me...." -Chris

I was shock on what he said. Alam niya na ba? Kinakabahan ako. Sino naman magsasabi? Eh si Hannah lang naman nakakaalam.

"Joke!!!! Hahahhaha" -Chris

Nakahinga din ng maluwag. Akala ko talaga alam niya.

"Stupid. Why would I like you?" -Me

"Well, because I'm handsome and smart? Haha." -Chris

And kind. Why am I lying that I don't like you? I'm such a dork.

"Conceited gorilla" -Me

"Woah! Coming from you ha." -Chris

"Talaga!" -Me

"So what would you do?" -Me

"Celebrating? Haha." -Chris

"Pervet!" -Me

"No I'm not. Hands off ako kay Ne Sarang" -Chris

"Eww! Di bagay sayo mag korean" -Me

"Bakit sayo bagay ba?" -Chris

"Oo, kaya don't you dare trying to speak korean" -Me

"Ayoko nga. Why?, are you my master?" -Chris

"Stupid!" -Me

"Hahhahaha" -Chris

Seen

I didn't reply back. Grabe ngayon lang ulit ako nakipag conversation sa kanya ng mahaba. Well, kung sa tingin niyo di mahaba. Para sa akin mahaba na yang ilang words na yan.

Sana mabalik yung dati na kami lang nagkukulitan. Mga time na wala pa si Elena, Levi at Jackson. Sila lang kase yung new friends na dumagdag sa grupo namin.

Dati di pa close si Hannah at Louie. Lahat friends friends lang wala pang love love.

Maybe one day or someday.

Namimiss ko na yung kulitan namin ni Chris. Yung pag-aasaran namin. Kapag may exam, todo aral. Tuturuan ko siya sa di niya alam at tuturuan niya ako sa di ko alam. Kapag ayaw makinig, babatukan o kaya hahampasin. Dati he never think that I'm a girl.

Walang malisya. Dati rin napag-isipan kaming mag syota. Pero we're actually bestfriends lang. No more, no less.

Back then na karelationship lang ni Kat ay ang foods niya. Si Hannah na puro pagkanta lang. Si louie na puro sports lang. Si Chris na puro aral at time sa aming mga kaibigan niya.

But now, things changed suddenly. When Levi came, Jackson came and Elena came.

Kat's with Jackson all day. Minsan na lang kami mag bestfriends gathering.

Si Hannah na ang kinakantahan na lang ay si Louie.

Si Louie na sports pa rin pero more on nakatutok lang kay Hannah.

Si Chris. Puro aral nga pero hindi na ako ang ka lesson buddy niya. Meron na siyang Elena. Kahit na hindi legal na sila na. Kahit na sa mata namin na parang sila na.

Ako si Levi na ang naging sister ko. Dati bago siya sumama sa amin. Hindi siya pusong babae. Talagang napakamanly niya. As in, pinagtitilian siya ng mga school girls.

Pero feeling ko may reason siya kung bakit niya nagawa yun eh.

×××××

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now