Chapter 8

327 9 0
                                    

--- Her Cheer

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Chris  (Point Of View)

"Bro! Punta ka na lang ha. Tawag na ako doon eh di na ako pwedeng magtagal." sabi ni Louie at nagmadaling umalis.

Kasama ko na lang ngayon ay si Levi. Magttry out kase kami sa badminton. Naghahanap kase sila ng mga ipanglalaban. Buti na lang pwedeng sumali lahat ng interested pero sasalain na lang. Monday to Wednesday practice lang. Then pagdating ng Thursday to Saturday doon na sasalain.

Wednesday pa lang ngayon kaya last practice na ito dahil sasalain na bukas. Yung best friend ng Kuya ni Louie ang magsasala sa mga interested badminton players.

"Chris, balita ko may gusto ka sa isa sa transferees natin ah." sabi ni Levi.

Nagulat ako sa sinabi niya. Saan niya naman nakuha yun? Pa-paano niya nalaman.

Tinulak ko siya. "Saang impormasyon mo yan nakuha?" sabi ko.

Napakamot siya sa batok niya. "Ahh hehe kay pareng Louie" sabi Levi

Peste talaga yung unggoy na yun. Kung kani-kanino nagkukwento. Buti na lang si Levi lang ang napag-kwentuhan ng unggoy na yun.

"Ano nga? Gusto mo ba siya?" nangugulit na sabi ni Levi.

"Sira! Tinatanong pa ba yan?" sabi ko sa kanya at tumalikod.

Binuksan ko yung locker ko at kinuha na yung mga gagamitin ko. Kinuha ko yung knee pad, t-shirt, jogging pants, badminton racket and shuttlecock. Habang kinukuha ko yung mga yun napapangiti ako naaalala ko kase yung sa ferris wheel eh.

"Bro! Baka mahal mo na napapangiti ka eh." sabi ni Levi na may halong pang-aasar.

Nilagay ko na yung mga gamit sa bag.

Tinulak ko na siya palabas. "Ewan ko sayo!! Umalis na tayo." Kinuha ko na yung bag ko at dumiretso na kami sa Badminton Court.

^•^

^•^

^•^

Pumunta na kami sa Badminton Court. Nakita namin si Louie.

"Aba! Lumalandi ang unggoy!" sabi ni Levi

"Tsumatsansing kamo." sabi ko.

Nakita kase namin si Louie na tumabi kay Hannah at nagsimulang makipagtawanan.

Hinanap kaagad ng mata ko si Elena. Kung nandito si Hannah edi syempre nandito ang barkada nila.

Ayun! Sapul! Nakita ko siya kumakain, bakit kahit kumakain siya ang ganda niya pa rin.

"Uy! Baka matunaw" tulak ni Levi.

"Huh? Halika na magpalit na tayo tas sabay practice na." sabi ko at iniwan siya sabay lakad.

"Sus! Umiiwas. Halata ka na bro!" sabi ni Levi.

Nagpalit na ako ng pang badminton attire at kinuha na ang raketa at shuttlecock ko. Siguro naman gaganahan ako kase may inspiration ako.

"Bro! Nandyan si Elena!" tumakbo papunta sa amin si Louie

"Alam ko." sabi ko

"Oo nga naman ano namang ieexpect ko sayo. Siguro unang pasok mo pa lang sa court siya na kaagad hinahanap ng mga mata mo." sabi ni Louie na parang nababasa niya ang isipan ko.

Napapalakpak na lang si Levi. "Mismo pare! Sapul na sapul!" sabi niya

Nanlaki yung mata ni Louie. "Bro! Magpapaliwanag ako."

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now