Chapter 40

112 3 0
                                    

--- Keep it secret

Enjoy reading!!!

💖💖💖

"Congrats!"

Yan ang palagi kong naririnig. Araw-araw na binabati. Nakararamdam din ng hindi maintindihang feelings.

Masaya ako dahil kami na after a long months. Sa wakas, masaya ako at hindi sapilitang sinagot siya.

Gusto ko yun. Hindi isang biro lang. Kundi totoo. Dahil sabi ng puso ko. "Yes!" Na parang siya na habang buhay.

Pagkatapos ng araw na sinagot ko siya. Araw-araw niya akong tinetext o di kaya tinatawagan.

Nakakatuwa nga eh. Dahil sabi niya parang di mabubuo ang araw niya kung di niya maririnig ang boses ko.

At the same time, ang sweet niya. Lagi niya akong dinadalhan ng foods, which is gustong-gusto ko. Pinupuntahan niya ako sa bahay. Mano kay mommy at kamusta kay daddy. Happy ako kase pabor sila mommy sa kanya.

Mabait. Matulungin. Malambing. Yan ang sabi ni mommy sa akin. Honest din daw! Dahil lahat ng itanong ni mommy tungkol sa akin sinasabi niya.

Si daddy naman dinadalhan na din siya ng pasalubong. Haha! Parang anak na nga ang turing niya sa kanya eh.

Yung friends ko naman. Lagi kaming inaasar dahil kami na nga. Si Shane, tumahimik siya simula ng maging kami ni Chris. Minsan na lang siya tumawa. Minsan na lang din makisama sa amin.

I want to talk to her about it pero hinayaan ko na lang muna baka kase she needs space. I don't know what's her reason kaya I just keep my distance from her.

Di nga din alam nila Hannah kung bakit siya nagkakaganon. At ang tanging may alam lang ay ang sarili niya.

Pero lagi niyang kasama si Levi. Laging sila lang ang nagtatawanan. Nagkakausap ng seryoso.

I asked Levi about it. Sabi niya di niya alam. Basta wala daw sinasabi si Shane sa kanya tungkol sa pagiging tahimik niya simula nga nung araw na yun.

I suddenly felt unhappy about it. Di na nga kami nagkakausap eh. Kapag titingin ako sa kanya minsa ngingiti minsan sa iba titingin.

One time, tinawag ko siya.

"Shane!" Tawag ko sa kanya

Lumingon naman siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko at lumapit na sa kanya.

"Sige" sabi niya at naunang maglakad.

Pumunta siya sa garden at sumunod lang ako sa kanya. Wala namang tao, tahimik pa nga eh.

"What?" Tanong niya at humarap sa akin.

"Is there something wrong?" Tanong ko agad.

"Wala naman." Tipid niyang sagot.

"Wala ba talaga? Eh bakit nagiging cold ka na sa amin?" Mahinahon kong tanong.

"Huh? Kailan?" Tanong niya pabalik sa akin.

"I mean. Hindi ka na sumasama. Minsan ka na lang makipagtawanan sa amin." Malungkot kong sabi.

"Kailangan ba laging ganun?" Sabi niya.

Ok. She's starting to get cold now.

"Yes. Because we're your friends. Friends should stay together" sabi ko sa kanya.

"Ok. Then we'll stay together" sabi niya naman pero nakayuko siya.

"Pwede na ba akong umalis?" Tanong niya.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now