Chapter 43

12 0 0
                                    

"After many years, 18 ka na. Grabe" hinawakan ni Chris yung kamay ko.

"3 years? Madami na yun sayo?" tinignan ko siya sa mata.

"Oo naman. Sa loob ng 3 years madaming day."

"I know" naglakad kami papuntang beach house

"18 yrs old. Pero baby girl pa din kita" he chuckled.

"Eww. Yoko nun" tinulak ko siya

"Ano gusto mo?"

"Ikaw hahaha. Elena na lang" kinilig ang mokong

Tumawa siya at napakamot sa batok.

"Bakit gusto mo dito sa beach ngayong 18th birthday mo?"

"Ang ganda lang kase tignan" tinuro ko sa kanya yung beach pati na yung langit.

"I know it's amazing but pwede naman sa house niyo makikita mo din naman yang langit eh"

"Alam ko. Pero feel the air parang sobrang laya mo kapag nandito ka" I spread my arms and I feel the air.

Nag back hug siya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng lungkot pero masaya naman kami ngayong araw. Hayaan ko na lang baka guni guni ko lang.

"Beach, beach pa. Takot ka naman sa tubig." tinawanan niya ako

"Hala. Kailan ko sinabi?" sinamaan ko siya ng tingin

"Dati. Sabi mo pa nga ayaw mo lumangoy dahil natatakot ka sa tubig haha" hinawakan niya pa yung tyan niya sa kakatawa.

"Dati lang yun tsaka natakot lang naman ako kase ang lalim non" depensa ko.

"Hahaha ok"

"Halaaa totoo nga!!"

"Ok na nga eh" tawa pa din siya ng tawa. Loko talaga to.

"Pasok na tayo sa beach house. Mag-gagabi na o"

Pumasok na kami sa beach house. Pumunta akong veranda habang nagluluto siya. Tinignan ko yung magandang view ng beach. Kinuha ko yung phone ko at kinuhanan 'to ng litrato pagkatapos sinend ko agad yun kay mommy.

Ilang minuto lang tumawag sa akin si mommy.

"Anak"

"My!"

"Happy Birthday nak. Nag-eenjoy ba kayo dyan? Si Chris?"

Tignan mo nga naman. Si Chris talaga anak niya.

"Thank you po mommy. Opo, nag-eenjoy kami dito. Si Chris po nagluluto ng pagkain namin."

"Maasahan talaga yang si Chris. Di ako madidisappoint sa kanya kase alam kong inaalagaan niya naman ikaw"

Yieee! Proud na proud ah.

"Opo naman mommy. Sasakalin ko yun kapag pinabayaan ako haha"

"Hahaha buang ka talaga"

"Anak! Happy Birthday!" sabi ni daddy

"Si son-in-law ok lang ba?" tanong ni daddy

Son-in-law? Agad agad?

"Huh? Hahaha nagluluto po"

"Ano ka ba? Daddy. Soon pa lang di pa ngayon" sabi ni mommy kay daddy.

"Ay hindi pa ba? Kala ko mag-asawa na sila eh haha"

Hala sige. Mga parents ko talaga.

"Daddy!"

"Haha syempre biro lang nak. Pinapasaya lang kita"

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now