Chapter 23

204 3 0
                                    

--- Library

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Third Person  (Point Of View)

"Makinig ka nga! Ang gulo mo paano ka matututo?" Inis na sabi ni Shane

"Sorry na po. Nakikinig naman ako eh" sabi ni Chris

"Nakikinig. May ieexplain ako then kapag sinabi ko na 'gets mo?' anong lagi mong sagot. 'Huh? Pakiulit. Nalilito ako eh'" sabi sa kanya ni Shane

"Gayang-gaya ah. Ulitin mo nga." Pilyong sabi ni Chris

Imbis na sumagot si Shane ay hinampas niya yung libro sa ulo ni Chris.

"Aray!!!" Sigaw ni Chris

Napatigil siya sa pagsigaw ng sitahin sila ng librarian.

"Shhhhh!" Sabi nito

"Sorry po" sabi ni Shane

Kinurot niya si Chris.

"Ito kase eh!" Napatakip siya ng bibig ng medyo napalakas ang sigaw niya.

"Shhhhh!" Sama ng tingin sa kanila ng librarian

"Sorry na po ulit." Sabay nilang sabi ni Chris.

"Turuan mo na nga lang ako." Sabi ni Chris.

"Buti naisip mo yan" sabi naman ni Shane

Nagulat ang lahat ng kumalabog ang pinto papuntang library.

"Hello Ms. Librarian." Masiglang bati ni Elena

"Hello din iha. Hindi na iistorbohin. Sige na mag-aral ka na" nginitian siya ng librarian

Naghanap na siya ng mapwepwestuhan habang nasa likod niya naman sila Kat at Hannah.

"Makiride na lang kayo ha. Kunwari di niyo alam na nandito sila." Bulong ni Elena kina Kat at Hannah

"Yes po" magkahawak pa rin ang dalawa dahil sa takot ng pagbago ng mood ni Elena.

Habang naglalakad sila nakita ni Kat sila Chris at Shane

"Oh. Nandito pala sila eh." Sabi ni Kat na parang di niya alam na nandoon yung dalawa

"Doon na lang tayo. Sakto may bakanteng tatlong upuan" sabi ni Hannah

"Great!" Sabi ni Elena na may diin pa.

Nagulat naman sila Chris at Shane.

"Akala ko busy ka mag-review?" Tanong ni Chris.

Hindi sumagot si Elena.

"Sis, ikaw ata ang tinatanong" bulong ni Hannah kay Elena.

"Huh? Ahh ako ba. Akala ko IBA kausap mo eh" madiing sabi ni Elena

Napalunok naman si Chris dahil siguro sa takot.

"Sige review na kayo dyan. Sa taas na lang ako mag-aaral" sabi ni Shane at akmang aalis

Pinigilan siya ni Elena.

"No, dyan ka lang. Tsaka maingay sa taas di ka makakapagreview ng maayos" ngiting-ngiting sabi ni Elena.

Pinagpapawisan na si Shane dahil sa kaba kay Elena. Hindi niya pa kase alam kung paano magalit si Elena.

"Sige na dito na tayo mag-review lahat para walang nagsosolohan" sabi ni Elena.

Takot na silang lahat sa inasta ni Elena

Habang nagbabasa si Elena. Lahat sila nakatingin lang sa kanya.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now