Chapter 46

13 1 0
                                    

Di niya pa din sinasagot texts ko. Tinry ko sa messenger kung iseseen niya ba. Pero wala. Nakailang missed calls na ako, pero wala din. 

Wala na di na buo araw ko :(

"Elena, bumangon ka na dyan. Magjojogging pa tayo" tawag sa akin ni Kat

Di ako sumagot pero umunat na ako.

"Hayaan mo na yun. Tatawagan ka din nun" 

"Sige, baba na ako" sabi ko na lang.

Dumiretso akong cr para maligo na. Nag ayos na din ako. White shirt, black leggings at white shoes. Tinali ko buhok ko. Kinuha ko small bag ko, nilagay doon yung water bottle, lip balm, earphones at payong. Maulan na kase ngayon eh baka maabutan kami, pero ngayon maaraw-araw pa.

Tumunog phone ko and it's Chris.

Hey, sorry ngayon ko lang nabasa. Meet me at the cafe nearby the bridge. I'll treat you.

I texted back, ok. Bumaba na ako at nagstart na kami magjogging ni Kat.

"So ano. Tinext ka na ba ng boyfie mo" uminom si Kat ng water.

"Oo, sabi niya magkita daw kami sa cafe malapit sa bridge."

"Sige. After this ba?" tumango ako

"Hatid kita. Pupunta din kase ako sa scent shop, reregaluhan ko kapatid ko malapit na bday niya eh"

"Ay oo nga pala no." Binigyan ko siyang 500 pesos.

"Pakisabi happy birthday sa kanya. Bilhan mo siya ng gusto niya gamit yang pera ko. Pakisabi din love siya ni ate." nginitian lang ako ni Kat.

"Ok po maam" tinawanan ko lang siya.

Dumiretso na kami ni Kat sa cafe.

"Ano, mauna na ako ah. Bibili pa ako eh baka abutin ako ng gabi eh" nagpaalam na ako sa kanya.

Umalis na si Kat.

Tumingin ako sa loob ng cafe. Nandoon si Chris naghihintay habang umiinom ng iced americano. Pumasok na ako. Kumaway ako sa kanya. Nilapitan niya ako at kiniss sa cheeks.

"Sorry kung pinaghintay kita ah"

"No, it's okay. Kakadating ko lang din kase eh. What do you like?"

"Iced Americano na lang din."

"Cake? You want. Blueberry Cheesecake?"

"Sure" 

"Okay. I'll order muna"

"Order niyo po sir?" may napansin lang ako dito sa cafe lahat ng nagtatrabaho puro good looking. 

"1 order of Iced Americano and Blue Cheesecake." tumingin ako sa kanya, he gives me an okay sign. So di siya kakain? Nagdadiet ba to?

"Okay sir." umalis na yung lalaki.

"Panay tingin mo sa lalaki ah." he glared

"No haha. May kamukha kase siya eh"

"Sus kamukha."

Napakaseloso naman

"Congrats!" di siya nakatingin sa akin

"Sa akin ba?" 

"Wala naman tayong ibang kasama ah"

"Ay haha sorry. Paano mo nga pala nalaman?"

"Sabi ni Shane."

What?! Dapat ako magsasabi eh. I'm kinda upset.

"Thanks" dumating na order namin.

"Enjoy po" nginitian ako nung lalaki.

"Thank you" madiin na sabi ni Chris.

Natauhan ata yung lalaki kaya umalis siya agad.

"Sa susunod nga magreresearch ako ng iba pang cafe. Ayoko na dito" he snorted

Naku po patay. Seloso nga pala to. Kasalanan ko bang tumingin sa akin si Kuya.

"Maganda naman dito ah"

"Talaga ba?" seryoso siya habang umiinom.

"I mean masarap tong blueberry cheesecake" sinubuan ko siya.

Kinain niya naman yun. Kumuha pa siya ng isa. Di na lang nag order. Binigay ko na sa kanya since di ko naman kayang ubusin. Ininom ko na lang yung iced americano ko.

Lumabas na kamimg cafe.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Chris sa akin.

"Doon" tinuro ko yung park malapit sa dagat.

"Tara" hinawakan niya kamay ko at naglakad na kami papunta doon.

Umupo na kami sa damuhan.

"Thank you" tinanguan niya ako.

"Gusto mo punta ulit tayo dito bukas." Umiling ako.

"Alam kong may iba ka pang importanteng gagawin." huminga siyang malalim.

"Importante ka naman eh" humiga siya.

Tinapik niya ako. Pinapahiga niya ako sa tabi niya. Umiling ako at tinuro ko shirt ko.

"Bakit kase nagpuputi kapag nagjojogging?" simangot niya

"Eh bakit ba. Gusto ko puti eh."

"Dapat kase nagblack ka na lang eh. Paano kung napawisan ka edi bak-" hinampas ko siya di ko na pinatuloy sinabi niya.

"Aray! Sakit ng hampas mo" hinimas niya yung braso niya kase namula.

"Ikaw kase eh kung ano ano pinagsasabi mo eh"

"Bat totoo naman ah. Babak-" hahampasin ko sana siya ulit pero pinigilan niya kamay ko.

"Ohh hindi na hindi na. Ang sakit kaya" tinawanan ko lang siya.

Nagpatagal pa kami doon ng ilang minuto bago namin naisipang umuwi.

Sumakay na ako sa kotse niya.

"Bakit mo pala hindi sinagot mga phone calls ko?" Tanong ko habang nagdadrive siya.

"I was busy" diin niya.

"Sorry." Yumuko ako.

"No, it's okay. Alam ko namang di mo alam kung ano nangyayari sa akin since busy ka" hinawakan niya kamay ko to make me feel better.

"Nagkita ba kayo ni Shane kahapon? Bigla na lang kase siya nawala eh"

"I met her sa mall. Nagcr lang daw siya since walang maayos na comfort room sa event na pinuntahan niyo. Sabi ko, I'll treat her some food. Di na din siya nakatanggi since it's been a long time nung last na kain namin together. You know, bestfriends kami then kahapon lang namin ulit magagawa yun"

Ok. I get his point. I felt a bit jealous pero wala magagawa best friend niya si Shane eh.

"Shane felt sorry after saying na nakuha ka. Sobrang proud niya kase sayo kaya nagkadulas dulas siya di niya na napansin." Tumawa siya, tumawa na lang din ako para di awkward.

"Diretso na kita sa inyo?"

"No. Ibaba mo na lang ako doon sa street na yun. Bibili kase ako ng food namin ni Kat."

"Samahan na kita."

"Ikaw bahala"

Bumaba na kami at nagtake out sa restaurant na malapit sa bahay namin ni Kat.

Sumakay kami ng kotse at dumiretso sa bahay namin.

"So. See you tomorrow." Ngumiti si Chris.

"Thank you for today" niyakap ko siya.

"You're welcome miss beautiful"

Nagpaalam na ako at pumasok na sa bahay.

Whaaaa! Bakit ba ako nagseselos? Haysss I hate myself for being like this.

Good Night. Love you ♡

Bakit ba siya ganyan? Nakuu whaa kakain na nga lang ako.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now