Chapter 30

196 1 0
                                    

--- War Zone

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Elena  (Point Of View)

Nasa school na ako ngayon at hinihintay kong dumating sila Shane. Kahit maaga pa pumasok pa rin ako. Kahit umuulan ng malakas pumasok pa rin ako. Pinapauwi nga ako ng guard kase wala daw pasok sabi ng principal. Pero ewan ko ba, ayaw ko pa rin umuwi eh.

"Eh Kuya guard, ang boring kase sa bahay eh wala akong magawa" naka pout ko pang sabi habang nakatingin sa ulan.

"Edi aralin mo yung mga lessons or mag-advance reading ka." Suggest ni Kuya Guard

"Nagawa ko na po yun nong isang araw pa" nakasimangot kong sabi.

"Edi matulog ka na lang para mabawi lahat ng eyebags mo" sabi ni Kuya guard

"Nagawa ko na po yun. Gusto ko po may gawin or kumilos ako eh" sabi ko na bagot na bagot na dahil sa lakas ng ulan

"Ay! Maglinis ka na lang ng bahay niyo" nakangiting sabi ni Kuya Guard.

"Eh Kuya kakaayos ko lang ng kwarto ko kagabi. Di naman ako makapagdilig kase nagawa na ni Manang :(" sabi ko habang nag-iisip pa rin kung anong magandang gawin.

"Ah! Alam ko na..." Biglang naka-isip ata agad si Kuya Guard ah.

"Ano po yun?" Nasabi ko na lang habang hinihintay ang suggestion niya.

"Manood ka na lang sa court ng practice ng mga sasali sa sports." sabi ni Kuya Guard at tinuro ang daan papuntang court.

"Eh Kuya baka naman po puno na ang tao doon. Tsaka bakit po sila nagpapractice pa eh naannounce naman pong walang pasok." Giit ko habang nakasimangot dahil bored bored na ako.

"Aish! Daming sinasabi. Pumunta ka na lang doon at tignan mo. Sa pagkakaalam ko kaunti pa lang ang tao doon eh." Sabi ni Kuya Guard

Nagpaalam na ako kay Kuya Guard at pumunta na sa court para manood na lamang. Habang naglalakad ako papunta doon, may sumisit sa akin.

"Psst!" Napalingon ako kung saan man galing ang tunog na yun. Wala namang tao at ako lang ang naglalakad doon. Hinayaan ko na lang at nagpatuloy pa rin sa paglakad.

"Psst!" Napalingon ulit ako at medyo binilisan ang lakad ko. Kinakabahan na ako at puno ng takot.

"Psst!!!!" Ngayon medyo malakas na ang pagsitsit sa akin kaya tumakbo na ako at napasigaw na din.

Pagkakita ko sa court. Di naman masyadong marami ang nandoon pero umupo na lamang ako sa pinakaitaas ng audience seats. Nilingon ko yung dinaanan ko at nakita kong may tatlong lalaki na tumatawa sa pag-alis ko. Badtrip! Parang ayoko ng dumaan doon ah. May iba pa bang exit?

Nilibot ko ang court at iisa nga lang talaga ang entrance at exit ng court.

Nakita ko sila Shane, Hannah at Kat. Nasa gilid lang sila hindi gaanong malayo mula sa akin kaya pinuntahan ko sila.

"Nandyan pala kayo. Akala ko na talkshit ako eh" sabi ko na medyo ikinasaya dahil di nila ako inindian.

"Abno ka ba!? Kami gagawa nun?" Sabi ni Shane.

"Bakit naman gagawin yun? Edi nagalit si ano." Sabi naman ni Kat at medyo kinikilig pa habang sinasabi.

"Sino?" Irita Kong tanong at curios na malaman.

"Wala.." sabi na lang ni Kat at tumingin na ulit sa mga manlalaro.

Tumingin na rin ako at nanood sa laro. Pambihira! nandito pala yung unggoy. Naglalaro din pala sila Levi eh.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now