Chapter 44

12 0 0
                                    

"Uyy besh. Nagbeach pala kayo ah di ka nag-aya" sumimangot si Kat

"Sensya na haha" umupo ako sa terrace namin

"Kamusta na pala yung audition mo?" ininom niya yung shake na hawak niya

"Ok naman. Pangmodel na lang daw ako. Kapag nag improve na daw tsaka ako isasabak sa acting or drama." hinampas niya ako, abno talaga to ang sakit

"Grabe ka" Hinimas ko yung hinampas niya

"So proud of you besh! Yieee wag mo kong kakalimutan ha."

"Di kita kakalimutan. Makakalimutan ko ba yung mga hampas at sabunot mo?"

"Yieee lab niya talaga ako" niyakap niya ako

"Tama na di ako makahinga" binitiwan niya na ako

"Sorry na natuwa lang ako kase proud ako sayo"

Iniwan ko muna siya doon para kumuha ng tubig kanina pa kase ako uhaw na uhaw.

"I'll be late. May kakausapin lang ako" - Chris

Noted!

Atleast nagsabi siya di ako maghihintay.

"Uy sino yang katext mo?" bumaba si kat siguro nainip

"Si Chris nagtext"

"Aalis kayo?"

"Hindi. Sabi ko kase ipagluto niya ako nung pinagmamalaki niyang bagong recipe"

"Wow! Pwede maki-join?"

"Ikaw kung gusto mo"

"Yoko, magmumukha akong third wheel" lumungkot yung mukha niya

Tumawa ako pero agad ko din binawi at lumungkot ang mukha ko. Naalala ko na naman yung scene na yun. Wala pa akong nasasabihan nun pero tapos na eh kalimutan niya na lang. Baka lalo pa siyang magalit or may chance na magalit sa akin dahil doon.

Anyways past is past. Tapos na yun.

"Tignan mo. Basta kung gusto mo ok lang naman. Kung gusto mo isama mo si Hannah para di awkward may kausap ka pa. Tsaka friends naman kayo ni Chris ah so bakit third wheel ka?" inirapan niya ako

"Sige na nga. Wait text ko lang si Hannah"

Umakyat ulit siya sa hagdan.

Nagtaka ako. Sino kaya kakausapin ni Chris? Siguro mga kaibigan niya or parents? Oo ganun yun.

Umupo ako sa sala. Hinintay ko lang siya doon.

"Besh! Sama ako mamaya ha. Titikim din ako ng bagong recipe ni Chris" - Shane

Huh? Paano niya nalaman?

Siguro tinext ni Kat. Grabe kumpleto kami ah.

"Haha sige para mas enjoy" reply ko kay Shane.

"Besh!! Tinext ko na yieee exciting" tumalon talon pa si Kat.

"Can't wait" tumabi siya sa akin.

Ilang oras din kaming nakatunganga lang sa phone namin. Nakatulog pa ako ng isa't kalahating oras.

"Ena" may tumatapik tapik sa akin

"Ena" kinalabit kalabit ako

Unti-unti kong dinilat yung mata ko. Si Chris ginigising ako.

"Start na?" tumango ako kahit di ko masyadong nagets kung anong start na.

"Siguro masarap yan" nakaupo si Shane sa dining room.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now