Chapter 7

388 8 1
                                    

--- His Secretary

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Chris (Point Of View)

Saya ko talaga kahapon. Medyo close na rin kami. Ngayon pumunta akong maaga sa room para makausap siya. Maaga akong pumunta mga 7:00 kahit 8:00 pa ang pasok namin.

Pero pagdating ko doon wala pa siya. Si Kat at Hannah pa lang si Shane wala pa at si Elena.

Mga bandang 7:25 ng bumaba sila. Pupunta ata silang canteen. Narinig ko kay Kat na nandyan na daw si Shane.

7:30 bumaba ako para bumili sa canteen ng snacks. Papasok pa lang ako sa canteen. Nakita ko sila doon nagtatawanan. Nandoon na rin so Elena parang kakarating niya lang kase katabi niya yung bag niya. Mamaya kakausapin ko siya binilisan muna ako.

"Ate, 1 burger, 2 fries at 1 C2 medium po." sabi ko sa nag-aassist.

"Ok po." Sabi niya na kinikilig pa.

Ang gwapo ko kase eh hahahaha. What? Totoo naman eh.

Hihintayin ko muna. Nakita ko si Hannah kasama niya si Elena na bumibili.

Napangiti ako ng bumili rin siya ng C2 na medium. Sorry ha simple things makes me happy.

Nakuha ko na yung order ko at pupunta na sana ako sa table nila kaso umalis na pala sila. Pumunta na silang room.

Kaya dumiretso na rin ako ng room nandoon na sila. Yung iba naming kaklase di pa dumadating. Ok lang naman basta eksaktong 8:00 nandito na lahat yan.

Pumunta si Hannah sa harap. May sinabi siya tungkol sa gagawin namin dahil mukhang di makakapasok ang first subject teacher namin. Sinabi niya rin ang magiging secretary ko, hindi ko alam na magkakaroon ako ng secretary.

Wala pa sa akin sinasabi si Sir Mendez. Siguro pinasabi niya na lang kay ma'am pero wala naman sinasabi sa akin si Ma'am Annabeth.

"So, ang secretary ng President natin ay si Miss Brooklyn." Tuwang-tuwa niyang sabi.

Gulat ang mukha niya.

Di siya makapagsalita.

"Why me?" sabi niya.

"Sabi ni Ma'am Annabeth eh." sabi ni Hannah pero may ngiti pa rin sa labi.

"Kaya nga why her? Why not me?" G4

"Yeah why not her?" Turo ni Elena sa kaklase naming babae na nagpupumilit na siya na lang.

Nalungkot ako kase akala ko matutuwa siya.

"Ok. Wala na tayong magagawa. I accept it. Para rin naman sa ikakabuti ng section natin." sabi ni Elena

It enlightened me up. Napangiti ako bigla.

"Oh! Namumula si President!" sabi ni Levi. Kateam ko sa isang club.

"Napaghahalataan." Sabi ni Louie

Syete! Hinipo ko yung pisngi ko ang init. Nagpunas na lang ako ng mukha.

"Mainit kase!" Sabi ko sa kanila.

Nagtawanan na lang silang dalawa.

"Ayieee!!!!!" sigawan nila lahat.

Napailing naman ako.

Tumingin ako kay Elena and I saw her feeling uncomfortable.

"Stop it already, let's be serious." sabi ko na ikinatahimik nila.

Ito ang gusto sa akin ni Sir Mendez eh. Sumusunod sila sa akin pero minsan hirap din nilang patahimikin, kailangan ko pa talagang magsungit para lang sumunod sila.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now