Chapter 22

226 2 0
                                    

--- Before Exam

Enjoy Reading!!!

💖💖💖
Third Person  (Point Of View)

"Ready na ba kayo sa exam? First exam to. Grabe nakakakaba pala." Sabi ni Kat.

"Wag mo ngang sabihing kinakabahan ka, nagagaya ako sayo eh" sabi naman ni Hannah.

"Ano ba kayo, sa susunod na bukas pa yun." Sabi ni Louie.

"Kahit na two days na lang natitira." Sabi ni Hannah.

"Bakit di ka ba nag-review?" Tanong ni Louie.

"Nag-review. Pero kase papalapit na ng papalapit yung araw" sabi ni Hannah.

"Tama na nga ang daldal, mag-review na lang tayo para walang makalimutan kapag exam na" sabat naman ni Kat.

"Si Elena ba yun?" Tanong ni Hannah.

Naglalakad kase siya pero parang papunta rito dahil kakagaling lang sa lockroom.

"Elena. Nag-rereview ka na?" Tanong ni Hannah.

"Mukha ba akong nag-rereview? Nakatayo ako diba?" Sabi ni Elena at tumawa pa.

"Weh. Pilosopo. Yung totoo kase" sabi ni Hannah.

"Totoo nga.... Ano ka ba di mo ba ako kilala? Magkaibigan tayo syempre alam mo nang nagrereview na ako kahit na 2 weeks past nang sinabi." Sabi ni Elena.

"Edi ikaw na masipag mag-aral." Sabi ni Kat.

"Syempre! Aral din kase di puro loving" sabi ni Elena.

"Akala mo siya di naglalove loving eh no?" Sabi ni Louie.

Hinampas siya ni Elena sa braso.

"Kahapon pa yang nonsense na sinasabi niyo ha" asar na sabi ni Elena

"Bakit namamalo ka pa kung nonsense? Ay! Iba na to" sabi ni Louie.

Tawanan naman sila Kat at Hannah.

"Ayoko na nga. Ang daming bullies." Sabi ni Elena.

"Anong pulis? Yung pulis nasa police station" sabi ni Louie.

"Shunga! B-U-L-L-I-E-S sabi ko" sabi ni Elena.

"Hahahaha to naman seryoso niloloko ka lang eh" sabi ni Louie.

"Ikaw ang kunwari. Di mo naman talaga gets eh. Kinuha mo lang yung opportunity n yun para hindi nakakahiya" sabi ni Elena.

Nakita niyang paparating si Chris kaya agad kumaripas si Elena.

"See you guys sa room. Una na ako" sigaw niya at kumaripas na ng takbo.

Tumigil muna si Chris kila Louie.

"Huuuuuu! Kapagod ah" sabi ni Chris

"Bakit? Magkagalit na naman kayo?" Tanong ni Kat

"Hindi ko nga alam eh. Tinext ko siya pero nagreply ng sa iba na lang daw. Tinawag ko hindi naman sinasagot." Sabi ni Chris na hinihingal pa rin.

"Ano ba yun?" Tanong ni Shane na kakarating lang.

"Kase magpapaturo ako sa isang subject na nahihirapan ako kaso ayaw niya namang magpaistorbo" malungkot na sabi ni Chris.

"Ako na lang magtuturo. Anong subject ba?" Tanong ni Shane.

Nagulat naman sila Kat, Louie at Hannah pero hinayaan na lang nila.

"Uhmm.. OK lang ba? Kase baka maistorbo din kita sa pagrereview mo." Kamot ulong sabi ni Chris.

"Hindi ah. Tsaka friends naman tayo diba?" Tanong ni Shane.

"Hindi." Nakasimangot na sabi ni Chris.

Nagulat si Shane at biglang nalungkot. Aalis na dapat siya ng akbayan siya ni Chris.

"Ano ka ba?! BESTFRIENDS kaya tayo." Masayang sabi ni Chris.

Kinutusan niya si Chris. "Ikaw! Akala ko pa naman.." asar na sabi ni Shane.

"Ano ba?! BESTFRIENDS nga kase tayo" sabi ni Chris.

"O siya. Sa library na lang tayo." Sabi ni Chris.

Dumiretso na sila sa library.

Pumunta naman sila Kat at Hannah kay Elena. Si Louie pumunta nang canteen para kumain.

"Elena! Elena!" Sabi nila Kat at Hannah.

"Ano? Pwede ba nagrereview ako" sabi ni Elena.

"Ano ka ba naman! Importante to girl." Sabi ni Kat.

"Oo nga" sabi naman ni Hannah.

Sinara ni Elena ang libro pero may nakakairita na bookmark kung saan siya nahinto sa pagbabasa. Tumingin siya kila Kat at Hannah na naka-poker face.

"Ano?" Tanong ni Elena.

"Ganito kase yun......" Hinto ni Kat.

Naghihintay lang si Elena.

"Hannah ikaw na nga" sabi ni Kat.

Napaface palm si Hannah at nagsimula nang magsalita.

"Si Chris diba kanina hinahabol ka? Kaso ayaw mong magpaistorbo" sabi ni Hannah.

"Yeah" sagot ni Elena.

"Gusto niya kase magpaturo doon sa subject na nahihirapan siya" sabi ni Hannah.

"Continue" sabi naman ni Elena.

Si Kat nakikinig na lang din sa gilid.

"Si Shane. Nagprisintang magturo sa kanya. Nasa library sila ngayon. Sinabi namin kase baka magselos ka" sabi ni Hannah.

"Then?" Sabi ni Elena.

"Yun lang" sabi ni Hannah.

"So? Ano naman ngayon? Eh bestfriends naman sila eh" sabi ni Elena.

"Kaya nga. Kaso baka magselos ka pa rin kahit na BESTFRIENDS lang sila." Sabi ni Kat.

"Inakbayan pa nga siya ni Chris then pumunta na silang library." Sabi ni Hannah.

Sinara na pabalibag ni Elena ang libro ng ituloy niya kanina ang pagbabasa.

"Ang ingay dito. Doon tayo sa LIBRARY!" Pasigaw na sabi ni Elena.

Natakot naman sila Kat at Hannah kaya sumunod na lang sila kay Elena.

"Beshy! Paano na yan mukhang beastmode si beshtie natin" bulong na sabi ni Kat pero takot na takot pa rin.

"Ikaw kase eh. Pinagkwento mo pa ako. Huhu!" Bulong pabalik ni Hannah.

"Baliw! Sabi ko bang ikwento mo rin nung inakbayan ni C si S?" Galit na bulong ni Kat.

"Hindi. Pero kase. Bahala na si Batman kung anong mangyari" bulong ni Hannah.

Magkakapit sila ng kamay at nasa likod lang ni Elena.

Nakita nilang sobrang pula ni Elena. Yung hawak niya libro ay sobrang ipit na sa kamay niya. Yung pagkakahawak niya kase ay parang gigil na gigil or gigil na gigil na talaga siya.

Binuksan niya ng marahan at kalmado yung pinto. Agad niyang nakita sila Shane at Chris.

Masayang tinuturuan ni Shane si Chris.

Kukutusan pa ni Shane si Chris kapag tumatawa o may nagloloko loko lang.

(Para silang mag GF at BF. Ang sarap nilang tirisin parehas. Lalo na itong si Chris. Nakakainis! Makita niya lang kapag hindi ko siya sinagot dyan. Nakakabwisit ang mga lalaki talaga!!!!! Hindi ako nagseselos kundi nabwibwisit ako sa lalaking kutong lupa na yon! Humanda siya kapag nakaganti at nakasalubong ko siya mamaya!

Wag niya akong magawang kausapin mamaya kundi manlilisik yung mata ko sa kanya o hindi kaya'y masuntok ko siya ng di oras. Nanggigigil ako gusto ko siyang lampasuhin sa C.R. Bwisit nakakainit talaga siya ng ulo. Mabait ako pero once na ininis mo ako. Sorry to say mas magiging masama ako kesa sayo.) Sabi sa isip ni Elena.

---
Sorry guys super late upload na. Busy PO me sa school. I don't know po kung kailan ulit ako makapag UD. Enjoy po!
Vote and Comment

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now