Chapter 27

233 2 1
                                    

--- Hidden Confession

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Third Person (Point Of View)

"Ang daya naman beshy! Kayo kayo lang nagpicnic together :(" malungkot na sabi ni Shane.

"Sorry talaga besh kase biglaan lang din yun." Sabi naman ni Hannah.

"So nagpicnic kayong mga mag love birds?" Tanong ni Shane.

"Love birds ka dyan?!" Sabi ni Hannah.

"Yieeeee! Kunwaring galit pero deep inside kilig to the bones" Tawa ni Shane

"Letche! Hindi noh!" Sabi ni Hannah

"Buti pa kayo nagpicnic talaga" sabi ni Shane

"Bakit di na lang kayo nagpicnic ni Levi. Hahahahahaha" kantyaw ni Hannah

"Hinayupak ka! Wag na baka mapagkamalan pa kaming magsyots" sabi naman ni Shane

"Ay! Sorry nakalimutan ko pusong babae na pala si Levi" sabi ni Hannah

Sayang lang talaga si Levi. Gwapo pa naman tas biglang nagkaganun. Gwapo naman kase ng mga bestfriends niya.

"Paano ba yan? Daming sagabal" asar ni Hannah

"Oo nga eh. Kaso wala naman akong palag" sabi naman ni Shane

"So anong balak mo? Hanggang friendship na lang ba at hindi in a relationship?" Tanong ni Hannah

"Besh. Ayokong ibetray si Elena. Mabait siya at maalagain sa akin. Ayokong dahil lang sa isang lalaki masisira yung friendship namin :(" halos maiyak na sabi ni Shane

"Sino bang mas mahalaga?" Sabi ni Hannah

"Silang dalawa. Hindi dahil gusto ko si Chris pero naging kaibigan ko na siya more than years" sabi ni Shane

"Sino ba mas lamang?" Tanong ulit ni Hannah

"Syempre si Elena. Kase kahit baguhan never kaming nag-away. Hindi muna magiging una si Chris dahil gusto ko siya. Ayokong lumamang yung pagkagusto ko sa kanya" sabi naman ni Shane

"Girl. Kailangan mo na siyang layuan" advice ni Hannah

"Paano?" Sabi ni Shane

"Wag mo siyang kausapin. Wag kang tatabi or sasama sa kanya" sabi ni Hannah

"Kung gawin ko man yun baka mahalata ako ni Elena. Dahil alam niyang bestfriend ko na si Chris more than a year." Sabi naman ni Shane

Nag-iisip ulit si Hannah ng pwedeng gawin ni Shane. Nang bigla niyang maalala yung nakita niya noong nakaraang araw.

"Ay bhie! Alam mo na ba?" Tanong ni Hannah

"Ang alin?" Sabi ni Shane

"Yung nangyari kila Elena at Chris?" Tanong ulit ni Hannah

"May nangyari na sa kanila???!!!!!!" Halos mahimatay na sabi ni Shane

"Gaga! Wala! Iba kase nasa isip mo eh" sabi ni Hannah

"Ano ba yun?" Sabi naman ni Shane

"One day kase pupunta na dapat ako ng canteen kaso naisipan kong magpahangin muna. Pumunta ako sa garden then nagulat ako sa nakita ko" bitin na sabi ni Hannah

"Ano????!!!" Sabi naman ni Shane

"Walang tao..." Hinampas ni Shane si Hannah

"Yun lang pala eh mukhang ewan yang kwento mo" inis na sabi ni Shane

Natawa lang si Hannah at tinuloy ang kwento niya.

"Abno! Di pa kase tapos. Nagulat ako walang tao kase karaniwan na maraming tao sa garden kapag tanghali" tuloy ni Hannah

Nakikinig lang si Shane sa kwento ni Hannah

"Bess! Nagulat ako ng unti unti akong lumapit sa may bench then boom! Nakita ko naghahalikan si Elena at Chris." Sabi ni Hannah

Tumayo si Shane at dumapa sa kama niya at nagsimulang umiyak ng sobrang lakas.

"Besh.. sorry kinwento ko pa sayo akala ko kase di ka masasaktan eh" sabi ni Hannah

"Tanga ka talaga! Alam mo na nga gusto ko siya eh huhuhu" iyak ni Shane

Umupo si Shane sa kama niya at pinunasan yung luha niya.

"Kailangan matatag ako kaya hindi ako iiyak. Bakit nga ba ako umiiyak eh hindi naman kami" malungkot na sabi ni Shane

"Kaya mahirap may kaibigang gwapo eh unti unti nafafall ka na" sabi ni Hannah

"Oo nga eh. Bakit kase siya pa naging bestfriend ko? Bakit kase ang gwapo niya? Bakit kase si Elena pa of all people ang nagustuhan niya di ko tuloy masabing maling tao ang tinitibok ng puso niya" sabi ni Shane

"Alam kong mahirap pero that's reality eh" sabi naman ni Hannah

"Bakit kase di na lang ako?! Huhuhu" tuloy na iyak ni Shane

"Bess wait ka lang Kunin ko lang yung ice cream sa ref. Maganda yung pang cool down" sabi ni Hannah

"Sige Kunin mo na ng mabawasan tong luha ko" sabi naman ni Shane

Bumaba na si Hannah para kunin ang ice cream sa ref.

"Wahhh!!!!! Huhuhu" tuloy na iyak ni Shane

"Bakit kase walang nagkakagusto sa akin? Mabait naman ako, maganda naman ako. Ano bang meron sa kanya na wala ako????" Tanong ni Shane.

Pumasok na si Hannah sa kwarto dala yung ice cream.

"Yung ideal girl na matagal nang hinahanap ni Chris." Sabi ni Hannah

"Hindi ba ako yun?" Tanong ni Shane

"Di ka niya kayang mahalin dahil once na naging kayo mawawala friendsship niyo it will turns into relationship kaya wala na relationship niya well friendship over." Sabi ni Hannah

"Huh? Enlighten me please" sabi ni Shane

"Ayaw ni Chris na mawalan siya ng kaibigan kaya once na nakipagbreak siya gusto niya may sasandalan siyang kaibigan sa pag-iyak niya" paliwanag ni Hannah

"So. Ganun lang pala ako sa kanya." Malungkot na sabi ni Shane

"Base lang yan sa naobserbahan ko ha" sabi ni Hannah

"Alam mo. Di ko kase kayang awayin si Elena eh. Masyado siyang mabait para awayin" sabi ni Shane

"Parang gusto ko na nga siya maging kapatid sa sobrang bait at maalaga niya sa akin eh" dagdag ni Shane

"I agree! Kaya walang bully sa kanya eh. Pero di mawawala ang haters or bashers." Sabi ni Hannah

"Kailan ba nawala yung mga basurang putak ng putak ng false rumors?" Tanong ni Shane

"Oo nga naman. Permanent na pala sila" sabi ni Hannah

×××××

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now