Chapter 47

9 0 0
                                    

"Besh! Sigurado ka bang yan na yung cake na pipiliin mo?"

Ehh di ako marunong pumili ng flavor.

"Chocolate na lang."

"Ehh blueberry cheesecake na lang nasarapan kase siya don kahapon eh."

"Sige yun na lang" nagbayad na ako. Umalis na kami ni Kat.

"Tinext mo na ba si Hannah. Yung pinapabake ko kung tapos na ba"

"Oo daw. Umuwi na tayo para maayos na natin"

Sumakay na kaming tricycle para mabilisan.

"Tinawagan mo na ba si Chris."

"Di pa eh. Tawagan mo na. Ay itext mo na lang"

"Sige sige." Kinuha ko phone ko at tinext na siya.

~ Saan ka? ~

Sumagot agad siya.

~ Gym sa school. Why? ~

"Nasa gym daw siya." Pumasok na kaming bahay.

~ Sige. Wala lang lang kinamusta lang kita. ~

~ Miss mo na ako? ~

~ Miss? Hindi ~

~ Ayos ~

~ Biro lang eh. Miss you ~

~ Haha miss you din. ~

~ Sige na. Nagagalit na yung isa dito. Tawag na ako. ~

~ Bye ~

~ Bye. Wabyu ~

Inoff ko na yung phone ko.

Nakita namin si Hannah na inaayos na yung baked cookies.

"Ilagay mo na sa ref yung cake."

Pagkalagay ko sa ref. Binigay sa akin ni Hannah yung cookies.

"Puntahan mo na. Mamaya umuwi na yun."

Di ko na siya sinagot. Kinuha ko bag ko. Tumawag akong tricycle.

"Kuya. Sa school po namin" since kilala na ako ni kuya. Alam niya na school ko haha.

Tinawagan ko si Chris.

"Hello?"

"Nandyan ka pa ba sa gym?"

"Yup. Bakit pupunta ka?"

"Hindi. Baka lang kase mapadaan ako kaya ko tinatanong."

"Ahh ganun ba. Sige magshower lang ako."

"Ahh sige"

"Ingat ka. Love you"

"Bye!"

Di niya pa pinapatay.

"Sus. Love you bye"

Tumawa siya. Inoff ko na phone ko.

Nakuu natraffic pa. Di bale sabi ko naman na pupunta ako kaya maghihintay yun. Naaamoy ko yung cookies ang bango. Parang gusto ko ng kainin.

Whaaa gusto ko nang makarating sa school. Papatikim ko na yung baked cookies na specialty ni Hannah. Titikman ko din to syempre.

Ayun buti gumagalaw na di na gaanong traffic.

Ilang minuto pa hinintay ko bago ako makarating sa school.

Saang gym ba?

Takte di ko natanong. Pagkabukas ko ng phone ko tatawagan ko sana siya kaso wala na akong load. Kainis! Kung minalas ka nga naman.

Papaload pa ba ako? Di na masarap tong baked cookies kapag di mainit. Hahanapin ko na lang siya magtatanong tanong na lang ako sa mga students dito.

Naglakad-lakad ako hanggang sa may dalawang estudyante na palabas na ng school.

"Excuse me. Pwede magtanong?" sabi ko sa dalawang students.

"Sige po."

"Saan ba yung gym dito? Nalilito kase ako eh."

"Diretso lang po kayo doon tas kanan po kayo then may pinto po doon na may nakalagay naman na gym room." turo nung isang student.

"Thank you." nginitian ko sila at umalis na.

Pinuntahan ko na yung direksyon na tinuro nung student. Ayun! Nahanap ko na.

Bakit wala siya dito. Tinawag ko yung mga ka gym buddies niya na kilala ko.

"Oh Elena."

"Si Chris?"

"Lumabas eh. Guys si Chris ba nasaan?" Tanong niya sa mga kasama niya.

"Chris? Lumabas ah. Sa park ata. Sabi niya doon daw siya mag-aabang eh."

"Yown naman pala. Baka isurprise ka. Yieeee nakanang"

"Parang tanga to. Sige na. Thank you."

"Samahan kita."

"Wag na. Alam ko naman kung saan yun."

"Sige. Sabi mo eh."

Umalis na ako sa gym. Takte para kaming nagtataguan taguan dito ah. Kanina pa ako hanap ng hanap sa kanya eh. Jusme, sana sinabi niya para ready ako. Pagod na pagod na akong maglakad. Buhat ko pa tong baked cookies tsaka regalo ko sa kanya.

Naaninag ko na yung anino niya. Dalawa? May kausap siya? Sino?

Naglakad pa ako ng kaunti at may nakita akong babae. Tumabi ako sa gild at sinilip kung sino yun.

Si shane?

Ginagawa niya dito. Siguro may sasabihin lang siya kay Chris. Maglalakad pa sana ako ulit pero nagulat ako ng hatakin patayo ni Shane si Chris. Hinila niya to papuntang gitna katabi ng puno.

Biglang kumidlat.

Tinakpan ko bibig ko ng mapasigaw ako sa gulat. Buti di nila narinig.

"Chris" si shane yung nagsalita.

"Shane. May importante akong gagawin ngayon, bilisan mo lang. Ano ba yun?" Sagot naman ni Chris.

Anong ginagawa nila? Pinatuloy ko pa ang panonood.

"Makinig ka lang. Chris, gusto kita matagal na. Simula pa nung bata pa tayo. Lagi mo akong pinagtatanggol kapag may nanakit sa akin. Lagi mo akong pinapatahan kapag may nagpaiyak sa akin. Lagi mo akong pinapatawa kapag malungkot ako. Lagi mo akong pinupuntahan sa bahay, tinatanong kung okay lang ba ako. Lagi mo akong inaasar para di ako mabored. Akala ko sa palagi mong paggawa nun nagbibigay ka ng motibo na gusto mo ako."

"Shane..."

"Makinig ka lang. Di mo kailangang magsalita. Akala ko gusto mo ako. Akala ko yung bestfriend ko magiging boyfriend ko. Akala ko ikaw na yung lalaking magpapasaya sa akin forever. Pero akala ko lang pala yun. Siguro nga mali ako kase binigyan ko ng malalim na kahulugan yung mga ginawa mo sa akin. Siguro nga hanggang kaibigan lang yung pagsasama natin.

Nakakatuwa nga kase nagkaroon ako ng kaibigang babae atleast diba? Di ko na masyadong iisipin yung nararamdaman ko sayo. Pero yung babae palang iyon ang magpapasaya sayo. Siya pala yung hinihintay mo. Alam mo yung masaklap kase ako mismo ang naging daan para magkalapit kayo. Sa una masakit syempre gusto kita eh tas ganun lang mangyayari. Isang iglap lang yung lagi mong ginagawa sa akin, iba na yung nakikinabang. Pero habang tumatagal, tinanggap ko kase alam kong sasaya ka sa kanya. Pero nung time na naging kayo, sobrang sakit pala. Yung makita kang nakangiti na ang dahilan ay yung mahal mo. Chris, gusto kita. Kahit di mo na suklian yun okay lang naiintindihan ko pero sana naman wag mo akong kalimutan na kaibigan mo at mas una mong nakilala kaysa sa kanya."

"Shane. I'm sorry."

Di ko alam mararamdaman ko ngayon. All this time may nasasaktan na pala sa ginagawa namin. Pero sana naman pinigilan niya na lang yung nararamdaman niya para di niya na maranasan yung ganitong sitwasyon.

Lalapitan ko na sana sila pero nabigla ako sa ginawa ni Shane.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now