Chapter 45

15 0 0
                                    

"Maayos na ba yung gamit mo?"

Natataranta na ako. First time ko 'to whoo! Pero I now that I'm ready na.

"Wait!!"

"Bilisan mo baka mahuli ka. Mas magandang early bird ka para maganda agad ang comment sayo"

Tinulungan na ako ni Hannah na ayusin yung gamit ko.

Ngayong araw na kase yung training namin sa modeling. Tas kung sino daw may magandang feedback magkakaroon agad ng projects, diba bongga.

"Maayos na ba buhok mo?"

"Yes po"

"Elena, alam na ba 'to ni Chris?" Tanong ni Shane.

"Uhmm... di pa pero sasabihin ko din."

"Bakit di ba siya good mood kagabi?" tanong naman ni Kat.

"Good mood pero nakalimutan ko eh hehe"

"Sabihin mo na yan baka magkaaway pa kayo" sabi ni Shane habang naka crossed arms.

"Bakit naman sila mag-aaway?" litong tanong ni Kat

"In case lang naman" sabi naman ni Shane.

"Di yun" sabi ko na lang.

Pumunta na kami doon sa lugar kung saan magaganap yung modeling namin.

"Ang ganda talaga ni Elena" tumatalon talon pa si Kat.

"Wala eh" dismayadong sabi ni Hannah

"Whooo! Go Elena!!" Cheer ni Kat.

Rumampa na kami.

"Whoooo! Best friend ko yan" sigaw ni Hannah.

Si Shane tinatawanan lang silang dalawa.

Alam nilang tatlo ang tungkol sa modeling. Si Levi din alam niya kaso wala siyang extra time para suportahan ako. Ipagdadasal na lang daw niya na makuha ako at magkaroon ng maraming projects. Si Louie, di niya alam. Syempre kapag sinabi ko sa kanya malamang alam agad yun ni Chris.

Di naman sa ayaw kong makarating sa kanya. Gusto ko personal kong sasabihin sa kanya yung about doon. Gusto ko sana din isabay na lang kapag nakuha ako sa modeling at magkaroon ng first project para magdedate kami agad haha.

Pagkatapos ng rampa namin dumiretso ako sa backstage. Nakita ko lang doon si Kat at Hannah.

"Si Shane?" tanong ko agad.

"Ewan. Sabi niya cr lang siya saglit eh" sabi ni Hannah habang inaayos yung accessories ko.

"Babalik din yun. Oh magpalit ka na" inabot sa akin ni Kat yung damit na pamalit ko.

Pumunta na akong dressing room at nagpalit na. Kinakabahan ako. Paano kung di sila nagandahan sa pagmomodel ko? Paano kung panget pala ako rumampa? Paano kung di pala ako dapat sa modeling project nila?? Mababaliw na ako sa mga tanong kong walang sasagot.

Lumabas na ako ng dressing room. Wala pa din si Shane. Nasaan kaya yung babaeng yun. Dapat magcecelebrate kami eh kahit na di ako makukuha or makuha man sana..

"Besh!! Tawag ka doon. Pumunta daw kayo doon. Iaannounce na ata"

Di ko na sinagot si Hannah. Dumiretso agad ako sa tinuro niya.

"Ok. Upo muna kayo." umupo kaming lahat na contestants.

Sinabi yung feedbacks about sa groups at individuals.

"Ito wala samaan ng loob ha. Kung ano yung resulta tanggapin niyo na lang. Walang dugaan to kase nakabase to sa audience at yung pinakahead na maghahawak sa inyo sa magiging projects ng mapipili. Hindi kami nanghuhula lang dito. So babanggitin ko na"

Nagsabi siya ng mga pangalan ng contestants na napili.

"Isa na lang. Lima lang kase kukunin namin."

Kinakabahan na ako. Inisip ko na lang na siguro gagalingan ko na lang next time sigurado namang di ako makukuha eh. Tignan mo ang gaganda at gagaling pa nilang rumampa la---

"Miss Brooklyn. Congratulations" kinamayan ako ng lalaki.

Wait

Anong nangyayari?

Ano daw?

Bakit niya tinawag surname ko?

Huh?

"Miss Brooklyn, ikaw ang last na napili. Congrats!" Natatawa pa siya sa akin kase di talaga nagsisink in sa utak ko yung nangyayari.

"Ah...ah.. te..thank..you po..he..he" wahh nakakahiya nabubulol pa ako.

Pagkatapos ng picturan. Umalis na ako doon.

Tumakbo ako kay Kat. Niyakap ko siya. At napaluha na lang ako.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Hannah na katabi ni Kat.

"Napili ako!!!" Naiiyak pa din ako sa tuwa.

"Whaaaa! Congrats besh!! I'm so proud huhuhu" sabi ni Kat.

Nagyakapan kaming tatlo. Sayang wala si Shane.

"Celebrate na tayo."

"Si shane" sabi ko.

"Hayaan mo na. Susunod na lang yun" hinila na ako ni Kat palabas ng venue.

Saan kaya yung babaeng yun?

Dumiretso kaming korean restaurant.

"Saan na ba si Shane? Tinext mo ba?" Tanong ko kay Hannah

"Di ko pa natetext eh. Text mo din" sinimulan nang itext ni Hannah si Shane

"Wala nga akong load eh" nagtingin tingin muna ako sa phone ko.

"Suss wala daw load. Pero kapag kay Chris unli yung load"

"Hahahaha bwisit ka ah. Wala nga tignan mo pa" binigay ko pa kay Hannah yung phone ko.

"Wag na. Baka mabasa ko pa dyan mga secrets mo."

"Yung load kase di naman messages."

Nga pala. Di ako tinetext ng mokong :(

Saan kaya yun?

"Si Chris di pupunta?" tanong ni Kat

"Di ko nga alam eh di ako tinetext"

"Baka may pasurprise yieee" sabi ni Hannah.

"Ewan" lumungkot yung mukha ko.

Hinintay na lang namin dumating yung inorder namin.

Ilang minuto din amg lumipas ng dumating yung order namin.

"Wait! Picturan ko muna" nilabas ni Kat yung phone niya at pinicturan yung pagkain.

"Oh group selfie. Elena tingin!" loka talaga to.

Nagpicture picture kami at kumain na.

"Wow! Ang sarap hmmm" sabi ni Kat.

"Magluto ka naman. Ano ikaw lang taga kain ng mga niluto ko" reklamo ni Hannah.

"Wait lang. Sige mamaya ako naman"

Kumain na lang ako ng tahimik. Napansin ata yun ni Kat.

"Oyy besh. Hayaan mo na muna yun. Malay mo busy lang. Kumain ka na dyan. Smile smile din" comfort ni kat sa akin.

Nginitian ko na lang siya.

"Malay mo may surprise pala. Smile ka na dyan. Think positive lang. Dapat nga masaya ka kase napili ka eh. Wag ka ngang nega. Enjoy the food na lang" comfort din ni Hannah.

"Thank you ah. Sige ieenjoy ko na tong pagkain"

Di ko na lang muna pinansin yung mga negative thoughts ko. Siguro nga busy lang yun kase baka isurprise niya ako. Pero di naman ako nag-eexpect, excited lang haha.

Oo nga ang sarap nung pagkain. Ieenjoy ko na lang.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now