Chapter 49

17 0 0
                                    

If you wanna talk, come to Yellow Street. 6pm.  Elena

"She texted me!"

"Bro, kalma" sabi ni Louie.

"Paano ako kakalma kung gusto niya na akong kausapin?"

"I was just saying."

"You know Chris. We're not sure if it's a good thing. Patingin nga ng text" sabi ng pinsan ni Chris.

Pinakita naman ni Chris sa kuya niya. Tinignan niya ang magiging reaksiyon ng pinsan niya.

"See kuys."

"Chris. She's too straightforward. Diba kapag mag-uusap kayo may lambing pa mga text niya pero check out right now." sabi ng pinsan niya.

"Bitter ka lang eh wala kang gf."

Pinapanatili lang ni Chris ang pagiging positibo niya dahil ayaw niyang mawala si Elena sa kanya.

"Tigil na kuya. Hayaan na natin siya." sabi ni Louie

"You know you should still listen to me. Kahit na wala akong gf at least I still know if gusto pa ba ako ng girl." sabi ng pinsan niya.

"Here you go again. Wala pa ngang nangyayare, nagcoconclude ka agad. Let's wait later okay?"

Lumabas na ang pinsan niya sa stress.

"Bro, ingat ka mamaya ha."

Nag-ayos na si Chris since 5:30 pm na. Sinuot niya ang pinakabago niyang damit. Pinabanguhan ito ng regalo sa kanyang tita. Sinuot ang relo niyang gold. Dumiretso na siya sa Yellow Street.

Si Elena na lang ang kanyang hinihintay.

"Ang pogi ni kuya doon oh" sabi ng napadaan na mga babaeng teenagers.

Nginitian na lang ni Chris ang mga ito.

"OMG! Nginitian niya ako"

"Ako kaya, feelingera ka."

Umalis na ang mga ito at dumating na si Elena.

"Am I late?" tanong ni Elena.

"No, you're not." Ngiting-ngiti naman si Chris. "Tara upo muna tayo" Umupo na silang dalawa sa bench. Sobrang tahimik at tanging hangin lang ang naririnig.

"So, how are you?" tanong ni Chris na tinawanan lang ni Elena at hindi sumagot. Napakamot ng batok si Chris. "Really? you're asking that." napailing na lang si Elena. "Masama ba yung tanong ko? hehe" sabi na lang ni Chris.

"You know Chris. Let's finish this now" biglang napawi ang ngiti ni Chris. He closed his fist firmly. "It's not healthy anymore." He gritted his teeth trying not to cry. "I'm sorry but let's break up." parang may tumusok sa puso ni Chris at napahawak siya dito. Di niya na napigilang lumuha.

"No, no, no we can't" nanginginig na sabi ni Chris. "We need" sabi naman ni Elena ng seryoso. "You don't love me anymore? Pano na yung pinagsamahan natin together?" nakaluhod na siya kay Elena. "No it just that I fell out of love to you." tumingin sa malayo si Elena. Tumayo si Chris, hinarap niya ang mukha ni Elena sa kanya at tinignan sa mga mata nito. "You still love me right?"

Pumikit si Elena at huminga ng malalim. " I don't love you anymore." at binuksan ang kanyang mata. Bumitaw na sa pagkahawak si Chris. "Why?" tanong ni Chris. "After all what happened lately, I decided to let you go and stop this relationship with you. I'm sorry if it hurts you so bad but I needed to do it for my sake." Nasaktan si Chris sa sinabi ni Elena. "Your sake? How about me? How about me trying to save this relationship and here you are letting go without any problem." Nagalit si Elena sa narinig niya. "Without any problem? Naririnig mo ba sarili mo Chris. For God's sake di mo ba alam pinaggagawa mo, tulog ka ba nung mga araw na yun? Don't be a fool." Hinawakan ng mahigpit sa wrist si Elena. "Yun ba?! Yun ba ang dahilan but I already told you that I'm sorry." Pumipiglas na si Elena pero ayaw pa din siya bitawan ni Chris. "Do you think your sorry will heal everything? You know it's not a simple mistake and mahirap yun tanggapin." Pumiglas ng malakas si Elena at nakabitaw sa kanya si Chris.

Pinunasan niya ang luha niya. "I'm done. Let's break off all our connections. Don't ever try to contact me again. I already told you that we're over. Don't come over my house ever again. Simulan mo nang kalimutan ako Chris kase ganun din ang gagawin ko." Umalis na si Elena at naiwang luhaan si Chris.


Nag-aalala na sila Louie dahil di pa umuuwi si Chris samantalang 9:30 na nang gabi. Tinetext nila ito pero di naman sumasagot.

"Kuys, puntahan na kaya natin. Diba nakita mo naman yung text? Tara na."

Pinuntahan na nila si Chris. Binilisan na nila ang pagdadrive dahil sa sobrang alala. Hinanap nila ito hanggang sa nakita nila si Chris na nakaupo sa bench at nakayuko.

"Bro!" tumakbo papalapit si Louie. Binuhat niya to at tinulungan maglakad papunta sa sasakyan. 


"Whoo... buti you're safe." sabi ng pinsan niya.

"I don't love you anymore." napahagulgol si Chris nang maalala niya yun.

"What's the matter? Wala namang masama sa sinabi ko ah. Huy" tinapik niya ito sa balikat.

Nalungkot na lang si Louie sa nararanasan ngayon ng kaibigan niya.

"Bro...." di na muna sila umimik at tanging iyak na lang ni Chris ang naririnig.

" it just that I fell out of love to you..." umiiyak pa din si Chris at nakahawak lang siya sa dibdib niya.

*knocks*

Pumunta si Louie sa pinto.

"Chris, may bisita ka." tumayo si Chris at inaasam na makita ulit si Elena. Pero ang bumisita ay si Shane. Napawi ang ngiti niya at napalitan ng galit.

"You okay?" tanong ni Shane at inabot ang box ng cookies.

Hinagis yun ni Chris. Nagulat silang lahat sa aksyon niya.

"Bro!" sigaw ni Louie. Tinignan siya ng masama ni Chris para tumigil.

"Great timing. Lagi ka na lang great timing no?" sabi ni Chris. Naguguluhan si Shane.

"What?" takot na sabi niya.

"Ikaw! Ikaw may kasalanan lahat eh." tinulak niya si Shane at napaatras ito pinigilan siya ng pinsan niya pero pumiglas lang siya. "Alam mo kung di dahil sayo di mangyayare to lahat. Ikaw puno't dulo ng lahat ng kamalasang nangyayare sakin ngayon." galit na sabi ni Chris. "Dapat di na lang kita naging kaibigan eh para wala akong hirap at sakit na nararanasan ngayon." naiyak si Shane sa sinabi ni Chris. "Chris, I know na nahihirapan ka ngayon pero wag mo naman isisi sakin lahat oh." "You know? So alam mo pa lang mangyayare sakin to. So you planned all of these to happen. Gusto mo talaga akong saktan no, ang malala nandamay ka pa ng ibang tao. Is it your hobby to make people suffer because of your actions?" Di umimik si Shane. Hinatak palabas ni Chris si Shane palabas ng bahay niya. Isasara na dapat niya ang pinto ng magsalita si Shane.

"If you ever feel hurt nandito lang ako makikinig sayo, di kita iiwan Chris tandaan mo yan." umiiyak pa din si Shane.

"Tabi mo na lang sayo. Simula ngayon wala ka nang kaibigan." sinara niya ng malakas ang pinto.


Perfect StrangersWhere stories live. Discover now