Chapter 37

69 1 0
                                    

--- Clueless

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Elena (Point Of View)

"Akin na yung bag mo." Sabi ni Chris sa akin at hinablot yung bag ko ng hindi ko pa naibibigay.

"Kaya ko naman eh" maktol ko sa kanya.

"Kahit na. Tsaka baka pagod ka nang magbuhat eh" sabi naman niya sa akin.

Hinayaan ko na lang siya.

"Hanggang kailan mo ako liligawan?" Tanong ko sa kanya.

"Hanggang sa sagutin mo na ako" sabay ngiti sa akin.

Yung ngiting hindi nakakasawa.

Naglakad na kami papuntang canteen. Nakita namin doon yung mga nagpipigil sa tili naming mga kaibigang babae.

"Maihi ka niyan" sabi ko kay Hannah na kanina pa hindi mapigilang ngumiti.

"Kase kayo eh" sabi ni Hannah sa akin.

"Anong kami?" Sabat ni Chris.

"Walang pang TAYO" sabi ko. Napatakip ako sa bibig ko nang marealize yung sinabi ko.

"PA. Ibig sabihin 100% na may chance akong sagutin mo hahahaha" tuwang-tuwang sabi niya sa akin.

Napaface palm na lang ako.

"Uyyyyyy!!! Sasagutin na yan" kantyaw ni Kat.

"Luh? Excited." Sabi ko na lang.

"Kat, Chill. Wait mo daw kapag sinagot na ako" sabi naman ni Chris.

Haysss! Bahala sila dyan.

"Order na tayo." Sabi niya sa akin.

"Sige. Ano bang gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw" sabay kindat sa akin.

"Pre! Nakakakilig naman yung kindat mo" sabay hagalpak sa tawa si Louie.

Napailing na lang ako sa kanya.

"Ano nga?" Tanong ko ulit sa kanya.

Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako pero tinulak niya ako papalapit sa kanya. Binulungan niya ako.

"Ikaw nga..." Nakakakiliti niyang bulong.

"Tatadyakan na kita dyan. Umayos ka nga" inis na sabi ko sa kanya.

"Ito na nga po eh" sabi niya at nagsimulang mag-isip.

"Kapag ganyan si Elena, ibig sabihin hindi niya na mapigilan yung kilig" biglang sabi ni Shane.

Kilala niya talaga ako. Bakit niya pa binigyan ng clue itong mokong na 'to. Mapagtritripan na naman ako eh.

"Ahhhh ganun ba." Sabi ni Chris na parang may nalaman na clue sa puzzle na binubuo niya.


Umalis na lang ako. Dumiretso ako sa garden at nagpahangin.

"Elena! Wait mag-oorder pa tayo" sigaw ni Chris mula sa malayo.

Naramdaman ko na may umupo sa may tabi ko.

"Sorry.." dumilat ako at nakita kong nakapout na siya ngayon sa akin.

"Why?" Tanong ko.

"Sorry na. Hindi ko naman alam na maaasar ka ng ganun eh" natawa ako sa sinabi niya.

"Gusto ko lang magpahangin that's all. Tsaka nakakangalay kayang tumayo. Haba pa ng pila kanina" paliwanag ko sa kanya.

"Di ka galit?" Tanong niya na nakapout pa rin.

Perfect StrangersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ