Chapter 18

220 4 0
                                    

--- First Fight

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Elena  (Point Of View)

*fast forward*

Sa tagal ng panliligaw sa akin ni Chris. Nakakatawa kase nakita ko sa kanya yung sweet side and concern side niya. Nakita ko kung paano niya ako alagaan. Kung paano niya ako sa mga problema ko na kahit isang minuto ay di ko masolve.

Nakakatuwa kase kahit kailan di niya ako magawang hawakan sa kamay. I mean yung magka-holding hands ba. Di niya ako magawang halikan kahit sa pisngi lang.

Sabi niya 'Chivalry first.'

Hinihintay niya ang pag-agree ko bago niya gawin ang bagay na gusto niya.

Kapag may free day or time kami. Namamasyal kami sa mall or sa park. Kwentuhan, kainan at minsan para kaming bata dahil nasa Tom's World kami at sobrang tagal namin doon.

Simula ng maging close kami lagi niya na akong pinipitik sa noo kapag tulala o nakasimangot ako.

Lagi niyang sinasabi sa akin na huwag ako sisimangot dahil magmumukha akong losyang. Mas maganda raw kung lagi akong nakangiti o nakatawa.

Binibigyan niya rin ako ng advices sa dami ng problemang dumadating. Pero dahil sa comforting advices niya nagagawan ko naman ng paraan.

...

...

...

Meron nitong isang araw. Nag-away kami, I don't know bigla ko na lang siyang napagsalitaan.

This happened.

Flashback...

Sir. "Mr. Lee. Get back to your senses. Lagi ka na lang wala sa sarili. Hindi mo ba kayang kumilos kapag wala sa tabi mo si Ms. Brooklyn?"

Wala kase ako ng time na yun. Nandoon ako sa bestfriend ko, nasa hospital kase ang Lolo niya. Ako at ang bestfriend ko muna ang pinagbantay dahil may gagawin ang parents niya.

Chris. "Sir, I'm sorry. I try my best."

Sir. "Do your best! Not try your best. Mamaya huwag kang umuwi ng maaga. Magpractice ka ng magpractice para sa badminton mo. Natalo ka na one time don't try to do it again."

Last time diba nanalo si Chris and nilaban kaagad siya sa Finals. Pero dahil wala ako sa tabi niya walang nagpapalakas ng loob niya. He didn't made it to first place. Fifth place lang siya. But it makes me relief pa rin kase kasama pa rin siya sa Grand Finale. Pero I feel bad kung sana nandun ako edi sana nagkaroon siyang lakas para makuha yung first place.

Kung sana nag-iingat ako edi sana hindi sumakit yung legs ko.

Last time kase sabi niya ihahatid niya ako but I insisted na wag na dahil may practice pa siya. That time I was waving good bye but when I turned around nabunggo ako sa batang nagscooter and then nabunggo yung binti ko sa bakal. Kaya sumakit yung binti ko at hindi maigalaw ng 5 days.
Dapat nga hindi niya itutuloy yung sa Finals but then I said na gawin niya yun dahil dream niyang maging first place sa any sports na salihan niya. He keeps saying he won't do it but it made him stopped when I said na hindi ko siya kakausapin more than a year. So he said he'll try his best.

Well hindi ko naman kakayanin na hindi siya kausapin for more a year noh. Baka mabaliw ako. And then I got shocked ng malaman ko kay Louie na fifth place lang siya.

...

...

...

The next day...

I said to him kung bakit ang saya niya.

Chris. "Because makakasama na ulit kita after 5 days of recovering"

Bigla akong maguilty dapat malungkot siya because he didn't made it to the first place.

"Hindi ba dapat nalulungkot ka dahil hindi mo nagawa sa first place ang badminton na iyon" medyo galit ang tono kong sinabi.

Chris. "What are you saying? Matagal na yun. Gagalingan ko na sa susunod."

Hahawakan niya sana ang braso ko pero agad akong lumayo. Nagulat siya sa ginawa ko kaya he was taken aback.

"Paano kung yang susunod wala na naman ako? Edi hindi ka na magiging first place?" Sabi ko.

Chris. "Bakit ka naman mawawala sa tabi ko? Aalagaan kita, wala ng mangyayaring masama sayo"

Nag-aalala na yung mukha niya ngayon.

"Hindi lahat sa oras nandyan ako sa tabi mo. Get back to your senses Chris! Napapagalitan ka na hindi ka pa rin nakikinig. Kailangan bang pagsabihan muna kita bago mo gawin?" I closed my fist.

He hold his hair out of frustration.

Chris. "What is wrong with you?! Di ba pwedeng maging masaya kasama ka? Dapat bang maging malungkot ako dahil nakarecover ka na? Kailangan ko bang laging ipakita yung expression ng mukha ko? Alam kong nakakalungkot na fifth place lang ako, pero bakit sasayangin ko ang oras just feeling down. Maraming second chances, Elena!"

Naiyak ako sa sinabi at pagsisigaw niya. Pinunasan ko yung luha ko. At umatras dahil papalapit siya sa akin.

Hinawakan niya ang braso ko at sinabing....

"How could I have a hundred things I hate,
But not have a single thing that I like?"

Binitawan niya ako tsaka naglakad papalayo.

"Do what you like! I won't stop you." Sabi ko na ikinatigil niya.

Humarap siya sa akin pero agad ko siyang tinalikuran.

Lumabas ako sa back door at tumakbo papalayo. Nalaman ko na lang na nasa bahay ako nila Shane. Nag hesitate pa akong pumasok pero alam kong siya lang ang tahimik sa tatlo kaya agad akong nag-doorbell.

Pagkalabas ni Shane agad ko siyang niyakap at nagsimulang umiyak.

Shane. "Hindi pa nga kayo, nag-aaway na agad kayo. Ano bang nangyari?"

"I don't have strength to tell you that." I sobbed.

Dinala niya ako sa kwarto niya at dinalhan ng tubig at pastry bread.

"Salamat" sabi ko at kumain.

Shane. "Anong ginawa sayo ng tukmol na yun?"

Seryoso niyang sabi.

"Wala. Small personal issue lang." Sabi ko at ngumiti pero agad din akong lumungkot.

Shane. "Small issue ba talaga? Eh bakit ka umiyak?"

"I don't know Shane. Kung pwede lang gumamit ng eraser at burahin lahat ng problema ko at sa amin sana ginawa ko na." Sabi ko.

Shane. "Kaya hanggang crush lang ako eh. Kase lahat ng naeencounter ko laging may away kahit nasa ligawan stage pa lang.

I laughed. "Sino ba yang crush mo?"

Shane. "Di mo na kailangan malaman baka mabigla ka lang o kaya mabulunan ka pa dyan."

"Malalaman ko rin yun bahala ka." Sabi ko.

Shane. "Ewan ko sayo. Kahit ano na gawin mo."

Nagtawanan na lang kaming dalawa.

Hindi na namin sinabi kila Hannah at Kat.

Kase kapag sinabi kay Hannah sasabihin niya kay Louie. Kapag naman kay Kat itetext kay Jackson niya at makakapunta kay Chris.

I wonder kung sino yun. I'll find out soon. My dear friend has a secret sa tagal ng hindi kami magkasama may sikreto pala itong babaeng to.

×××××

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now