Chapter 42

41 0 0
                                    

--- I like you

~×~×~×~×~

Elena POV

"Di ko talaga alam ang dahilan niya" sabi ni Kat habang umiiyak

"Ano ba kaseng nangyari sa inyo?" Tanong ko.

"Ewan ko ba. Hindi naman siya ganun dati eh" ngawa pa din ng ngawa si Kat.

"Letchugas talaga yung lalaking yun eh. Nasaan ba siya?" Galit na galit si Hannah

"Chill" kalma ni Shane sa kanya.

"Chill? Eh pinaiyak niya yung kaibigan ko, magiging chill pa ba ako nun?" Inis na sabi ni Hannah.

"Gagawan natin ng paraan yan" sabi na lang ni Shane.

"Paanong paraan Shane? Sabihin mo sa akin." sabi ni Hannah.

Natahimik si Shane.

"See? Wala kang masabi" irap ni Hannah.

"Girls, naaappreciate ko yung comfort niyo sa akin pero di niyo kailangan mag-away dahil sa ginawa ni Jackson" sabi ni Kat.

Hiwalay na kase si Kat at Jackson. I don't know the whole story dahil ayaw sabihin ni Kat.

"Sorry Kat" yakap ni Shane sa kanya.

~•~

"Hi girls!" Sigaw ni Jackson sa amin habang papalapit.

PAK!

Napahawak si Jackson sa pisngi niya.

"Anong kasalanan ko?" Inis niyang sabi.

"Nalimot mo ba ang ginawa mo sa best friend ko?" Galit na sabi ni Hannah.

Tumawa lang si Jackson. Baliw na ba siya?

"Ganun ba? Akala ko kase nakamove on na siya doon" ngiti ni Jackson.

"Aba!" Sasampalin pa sana siya ulit ni Hannah pero pinigilan na siya nila Shane.

Tinalikuran kami ni Jackson saka umalis.

"Bitawan niyo ako. Hayop siya! Pagkatapos natin hayaan sa kanya si Kat, gaganyanin niya lang" nagpupumiglas si Hannah.

"Tama na" awat sa kanya ni Louie na kakadating lang.

"Bitawan mo ako! Walang kwenta yang kaibigan mo!" Sinigawan niya si Louie pero niyakap lang siya ni Louie.

"Calm down" sabi niya.

"Shane pakisamahan muna sila" sabi ko at sinundan si Jackson.

Hinanap ko siya sa buong building. Saan ba siya nagpunta? Tinignan ko sa canteen, garden, classroom namin at saan pang lupalop pero wala siya.

Pumunta ako doon sa likod ng building pero wala siya.

"Looking for me" speaking of the devil.

Paglingon ko sa kanya tinignan ko agad siya ng masama.

"Woah woah. Pumunta ka lang ba dito para sampalin din ako?" sabi niya habang nakahawak pa din sa pisngi niya.

"Hindi. Nandito ako para kausapin ka" seryoso kong tanong.

"Kausapin para saan?" Nakangiti pa siyang nakatingin sa akin.

"Sa relationship niyo ni Kat." Nawala ang ngiti sa mukha niya.

"We already ended our relationship" madiin niyang sabi.

"Do you mean, YOU already ended your relationship with her" inis kong sabi.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now