Chapter 39

90 4 0
                                    

--- Date Night

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Elena (Point Of View)

"Here" sabay bigay sa akin ni mommy ng damit.

"You sure?" alinlangan kong tanong.

"Oo. Maganda yan tutal maputi ka" sabi naman ni mommy.

"But mom...paano kung gabi na kami umuwi pagsusuotin mo ako ng ganyan?" sabi ko kay mommy.

"May kotse naman siya eh" sabi ni mommy.

What?

"Mom. Wala pong car si Hannah" sabi ko.

"Ay oo nga pala" sabi na lang ni mommy.

Nagdududa na ako pero hayaan ko na lang mamaya di niya lang talaga alam.

"Oh dali magbihis ka na" kinuha niya yung dami at binigay sa akin sabay tulak sa akin papuntang bathroom.

Nagbihis na ako. Narinig kong sumara na yung pinto.

Tumingin ako sa full length kong salamin sa kwarto.

Tumingin ako sa full length kong salamin sa kwarto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ok naman pala eh" sabi ko.

Tinanggal ko yung bracelet ko. Pinalitan ko naman ng heart necklace yung moon necklace na suot ko kanina.

Pagbaba ko ng hagdan. Lahat sila nakanganga sa akin.

"Oh baka may pumasok na langaw" tawa ko sa kanila.

"O siya siya. Umalis na kayo at baka gabihin pa kayo." sabi ni mommy sa amin.

Lumabas na kami ni Hannah.

Habang nagdadaldalan kami parang alam ko yung daan. Papuntang school?

"Oh bakit sa school tayo magpipictorial?" tanong ko kay Hannah.

"Bakit? Ang ganda kaya ng view sa likod ng school. May nakita ako doon maganda. Magandang magpictorial nga doon eh" sabi niya.

Tumango na lang ako.

Habang naglalakad kami. Papalapit na kami sa likod ng school ng huminto si Hannah. Nag ring yung phone niya.

Sinagot niya naman agad.

"Oh bakit?" sabi ni Hannah.

May narinig akong tawa sa phone niya. Si Louie yan. Natawa siguro sa panimula ni Hannah.

"Ano? Sige punta na ako dyan. Bilisan mo ha magpipictorial pa kami ni Elena" sabi ni Hannah at pinatayan na si Louie.

Tumingin siya sa akin na parang nagsosorry.

"Ok lang. Mabilis lang naman diba. Hintayin na lang kita dito" sabi ko sa kanya at umupo sa gilid.

"Promise! Mabilis lang to." umalis na siya.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now