Chapter 20

228 3 0
                                    

--- Make Her Say Yes

Enjoy reading!!!

💖💖💖
Chris  (Point Of View)

Ito na yung plano ko ang puntahan siya ng mag-isa kila Shane.

Nag-doorbell ako at lumabas ang nag-aalaga kay Shane simula Kinder nasa mid 30's siya. Si Ate Lorna.

"Oh Chris, ikaw pala iyan pasok ka." Sabi ni Ate Lorna.

"Sige po pero dyan lang po ako sa may garden uupo." Sabi ko naman.

"Eh bakit naman? Pumasok ka na." Pinipilit pa akong itayo ni Ate Lorna.

"Ate Lorna OK lang po. Pwede pong pafavor?" Tanong ko.

"Sige ano ba yang favor mo?" Sabi naman ni Ate Lorna.

"Nandito po ba yung kaibigan ni Shane. Si Elena po?" Sabi ko.

"Ahh oo kahapon pa pumunta yun dito kaso umiiyak kase naglilinis ako sa second floor. Nagulat ako ng may humihikbi akala ko tuloy multo yun pala si Elena lang pala." Kwento mo Ate Lorna.

Bigla akong nalungkot ng malamang ako ang dahil ng pag-iyak niya. Aish! Bakit kase nakakadala ang feelings eh. Eh ako naman itong si tangang nakikiride lang.

"Bakit? Gusto mo siya noh?" Kantyaw ni Ate Lorna.

"Ahehehe manliligaw niya po ako." Sabi ko naman.

"Ay ibang level to ha." Sabi ni Ate Lorna na naka-crossed arms pa.

"Pwede po bang pakitawag siya pero huwag niyo pong sasabihin ang pangalan ko. Sabihin niyo po may naghahanap sa kanya. Wife ko siya ang sabihin mo Ate ha?" Sabi ko na ngumingiti pa.

"Sus! Wife? Di pa nga kayo tapos mag-aral" sabi ni Ate Lorna

"Hahaha" tawa ko naman.

"Sige. Siguro ikaw nagpaiyak dun noh?" Tanong ni Ate Lorna.

"Sad to say pero ako nga po." Nagulat ako ng batukan at hinampas ako sa braso ni Ate Lorna.

"Ikaw bata ka! KAYGANDANG DALAGINDING PINAPAIYAK MO! DAPAT YUNG GANYANG MAGAGANDA INAALAGAAN, PINAPASAYA HINDI PINAPALUHA." Sigaw ni Ate Lorna.

"Ate Lorna. Hugot po ba yan?" Tanong ko na hinihimas pa din yung braso ko naparami kase ang hampas niya.

"Naku kung alam mo lang talaga." Sabi ni Ate Lorna.

"Ikaw pakitang gilas ka rin eh." Sabi ni Ate Lorna

"Bakit po?" Tanong ko.

"Suot suot pa ng fitted. Jusko! Pagkatapos ng ginawa mo." Sabi ni Ate Lorna.

"Pwede po bang pakitawag na?" Tanong ko.

Ang dami pa kaseng sinasabi ni Ate Lorna eh.

"Oh siya. Tawagin ko na yung babaeng pinaluha mo." Sabi ni Ate Lorna.

"Babaeng mahal ko po." Singit ko at umalis na si Ate Lorna na tatawa tawa pa.

Hinintay ko lang siya doon sa garden. Nagtitingin ako sa maganda at organize na garden nila. Ang ganda kase yung magkakakulay na different kind of flowers magkakasama. Lalo na sa may bandang blue, ang ganda tingnan.

Habang pinagmamasdan ko yung mga halaman may naririnig akong bumaba sa may hagdan nila sa loob.

Narinig ko din na may lumabas na sa pinto nila. Si Elena na kaya yun?

Pagtingin ko lumabas si...

Ate Lorna.

"Nandyan na labs mo." Mahinang sabi ni Ate Lorna.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now