Chapter 50 (Finale)

7 0 0
                                    

10 years laters...

Lahat ng magkakaibigan ay may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan sa buhay. Tanging natitira na lamang ay ako at si Shane. After all the years, nagkaayos din kami

"Ok ka na bang makita siya? After ng mga nangyari?" pag-aalala ni Shane.

"May magagawa pa ba ako? Makakaatras pa ba ako, eh nandyan na" tumawa na lang ako.

"Wag ka ngang mag-pout dyan di bagay sayo, mukha kang engot" hampas ang abot ko kay Shane.

"Basta kapag kailangan mo back up, one call away lang ako"

"Yes boss.

Pumunta na kami sa Yellow Street Cafe. Huminga muna akong malalim bago ko binuksan ang pinto.

Pagkapasok ko, nakita ko ang babaeng minahal ko noon na kumakaway sa akin ngayon. Yung ngiti niya na nakapagpahulog sa akin, yun pa din ang nakikita ko ngayon.

"Dalian mo!" tinulak ako ni Shane.

Nauna na sa akin si Shane. Nakipagbeso siya sa babaeng minahal ko.

"Namiss kita Elena huhuhu." iyak ni Shane sabay yakap sa kanya.
"Eto naman kala mo di kami nagkita last week." sabay hampas ng mahina sa braso ni Shane.

"Gurl, last week pa yun." tumingin sa akin si Shane na galit na galit na parang sinisenyasan niya akong umupo na katabi nila.

"Bakit mo pala kami na-invite?" basag ni Shane sa katahimikan.

"Ahh hehe, papakilala ko kase yung taong nahanap ko na after 3 years." nabuhay diwa ko sa sinabi niya.

Ako ba? Ako ba yun, Elena? Naaalala mo na ba ako?

"Tagal naman niya hmp" simangot ni Shane.

"Hintayin lang natin, may dinaanan lang yun." nagkwentuhan muna sila Shane at Elena, ako naman umiinom lang ng iced coffee.

Nakakagaan pala ng loob na makita ulit na nakangiti siya.

"Ayan na siya! Love!" sabi ni Elena.

Paglingon ko. Parang nawasak ang mundo ko sa nakita ko. All this time niloko mo lang akong hayop ka.

"Love?" tinignan niya si Elena at tinignan din ako na parang sinasabi na bakit ako nandoon.

"Ay, love, inimbitahan ko sila kase gusto kita ipakilala sa mga friends ko haha. Ayaw mo ba?" nalungkot si Elena.

"No, haha, bakit mo naman naisip yon hehe" kinamayan niya ako at si Shane na parang di kami magkakaibigan noon.

"Nice to meet you..... again" pabulong niyang sinabi yung huli.

"So guys! Meet my boyfriend, Mr. Louie." masayang sabi ni Elena.

"Wag na Mr. haha masyadong pormal, Louie na lang." nakatulala pa din kami ni Shane, di namin alam kung ano bang sasabihin namin.

Di na lang namin pinahalata na ang awkward kaya kung paano sinimulan ni Louie ganon na lamang ang ginawa namin ni Shane.

Ilang oras din kami nagkakwentuhan, mali, sila ang nagkwentuhan dahil tahimik lang ako simula ng dumating ang best bro ko.

"Chris, thank you nga pala." lumingon ako sa kanya.

"Bakit naman?" napakamot ako sa batok ko.

>> song: Hindi Tayo Pwede - the juans <<

"Thank you kase di ka nagsawang tulungan ako na mabalik yung memories ko kahit na ang unang bungad ko sayo ay 'sino ka, di kita kilala', sorry about that time." parang may sumaksak sa dibdib ko pero pinilit ko pa din ngumiti.

Perfect StrangersWhere stories live. Discover now