Prologue ***

378K 6K 46
                                    

Happy go lucky .

Playboy

Heartless Monster.

Ganyan siya kung i-describe ng mga nakakakilala sa kanya.

Hindi siya nabo-bother kung iyon ang tingin sa kanya ng mga tao. Wala naman siyang magagawa kung iyon ang iniisip nila sa kanya.

Ang mahalaga lang sa kaniya ay nag-eenjoy siya sa kaniyang buhay ngayon.

"Bro, kailan ka ba magtitino?" tanong sa kanya ni Marco.

"Kapag may nakita na akong babaeng magpapatino sa akin." Biro naman niya sa kaibigan.

Nagtawanan lang ang lahat sa sinabi niya.

"Bro, ano ba standard mo sa isang babae," ani Jake.

Natawa naman siya sa sinabi nito.

"Bro, you know my standard." naka-smirk na sagot niya rito.

And he's dying to have it, pero 'wag naman sana ngayon. Nag-eenjoy pa kasi siya sa buhay binata.


My Playboy Boss Where stories live. Discover now