Forty-seven

123K 2K 30
                                    

Forty-seven

Issay's POV

Nagising siya na masakit ang kanyang ulo. Unti unti niyang inilibot ang kanyang paningin kung nasaan siya. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar kung nasaan siya ngayon. Tatayo sana siya ng maramdaman niyang nakatali ang kanyang mga kamay at paa.

"Issay"narinig niyang may tumawag sa kanya ngunit halos paungol lang ito.

Hinanap niya ang pinaggalingan ng boses na iyon.

Nakita niya si Malik na kanahandusay sa lapag, gaya niya nakatali din ang kamay at paa din nito kaso kitang kita ang mga pasa at sugat nito sa katawan at mukha nito.

"Malik!!!"pasigaw niyang tawag ditto.

Awing awa siya sa nakikita niyang kalagayan nito ngayon.

Gustong gusto na niyang takbuhin ito at yakapin pero hindi niya magawa dahil sa pagkakatali ng paa at kamay niya.

"My God what happen to you?"nag-aalala niyang tanong niya ditto.

"Wala ito, how are you may masakit ba sayo?"nakita pa niya itong ngumit sa kanya.

"Anong wala, look at you. You look so damn mess. Sinong gumawa sayo niyan?"pagalit niyang tanong ditto.

Nakuha pa nitong tumawa sa kanya kahit na alam niyang hirap na hirap ito.

"Kung hindi lang ako nakatali ditto, I might take you now honey."tumatawa pa nitong biro.

"Wag kang magbiro ng ganyan Malik. papatulan kita"ganting biro niya.

Kahit na naguguluhan siya pinili niyang magbiro para pagaanin ang sitwasyon nilang dalawa ngayon.

"Wow, palaban ang honey ko ngayon ah"puri pa sa kanya nito.

Kumilos ito para umayos ng upon a paharap sa kanya. Kitang kita niya ang paghihirap nito sa bawat kilos nito.

"Malik ano bang nagyayari?"nakuha na niyang itanong ditto.

Ang natatandaan lang niyang huli ay noong paluwas siya ng Manila. Nasa parting laguna na siya ng biglang may humarang sa sinasakyan niya. may lumapit sa kanya at may pinaamoy na sobrang bango bago siya mawalan ng malay.

Hindi niya maalala kung nagising pa ba ulit siya o ngayon nalang siya nagising talaga.

Hindi nga niya namalayan na kasama na niya ngayon si Malik.

"I'm sorry honey nadamay ka pa sa problema ko"sagot sa kanya ni Malik.

"Anong problema ba kasi iyan. Palagi ko nalang naririnig sayo ang salitang problema pero hindi mo naman pinapaliwanag saakin kung ano 'yon"napipika na niyang sagot ditto.

"Wait honey ang init naman ng ulo mo"nakangiting baling sa kanya nito.

Kahit puno na ng sugat ang mukha nito ngayon gwapo pa din ito sa paningi niya kapag ngumingiti ito.

"Paliwanag mo naman kasi..."halos pabulong na niyang turan.

"Arnold Lopez, ung tatay ni Naomi. He wants to get rid of me, and get all my wealth. He used Naomi, noong una ang gusto lang niya ang makasal si Naomi sa akin para makapasok siya sa kumpanya ng walang kahirap hirap. But later on mas lumala ang gusto niya, gusto na niyang itransfer ko na sakanya ang lahat after ng kasal namin ni Naomi. Which is hindi ako pumayag, I try to find a way na mapigilan ko siya sa mga balak niya only to fine out na may mas malalim pa akong malalaman tungkol sa kanya. To make it short honey si Lopez ang may gawa sa atin nito at hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."paliwanag nito.

My Playboy Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon